Kabanata 15: DETECTIVE GUARD

1.1K 183 20
                                    

"We're dead."

Nang sabihin niya ang mga salitang 'yon sa napakaseryosong tono, agad akong nabahala at bumilis ang tibok ng aking puso sabayan pa ng malamig na hangin na pumapasok dito sa library dahil sa nakabukas na bintana, pero kung pagmamasdan mo siya, parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari, parang wala siyang kinakabahala.

"Itaas n'yo ang mga kamay n'yo at 'wag na 'wag kayong kikilos ng masama," banta ng aming guard at ganoon nga ang aming ginawa, ngunit bago iyon ay sinilid ko muna sa bulsa ko ang k'wintas na aking naging basehan upang matukoy ang taong pumasok dito ilang minuto lamang ang nakakalipas.

Dahan-dahang binaba ng guard ang kaniyang itim na baril at naglakad sa normal na pamamaraan. Nang siya'y nakalapit na ay agad niyang tiningnan ang I.D ni Raven, since wala akong I.D ngayon dahil hindi naman ako pumasok kaya 'yung sa kaniya lamang ang tiningnan. Marahil ay inalam niya ang pangalan ni Raven at iba pang patungkol sa kaniya na nakapaloob sa I.D niya.

"At ikaw, anong pangalan mo?" kunot noo niyang tanong.

"A-Alia, Alia Madriana," tugon ko. May konteng kaba man sa una pero sinubukan kong alisin iyon para makasagot ng ayos. Tumango siya at pagkatapos noon ay bahagya siyang humakbang ng tatlong beses papalayo dahilan upang makabuo ng distansya sa pagitan namin na sapat lamang.

"Anong ginagawa niyo rito? Gabi na at dapat wala ng mga estudyanteng nandidito sa mga oras na 'to," wika niya pero sa pagkakataong ito ay mahinahon na siyang nagsalita ngunit may nakaguhit pa rin sa kaniyang noo, 'di katulad kanina na halos lumabas na ang kaniyang ugat sa leeg dahil sa pagkakasigaw na akala mo naman ay may masama kaming ginagawa.

Hindi agad kami nakasagot sa kadahilanang wala kaming maisip na tamang sagot na magpapabago sa kung anong iniisip niya. Habang hinihintay niya ang aming sagot, pinag-aralan niya muna ang lugar. Marahil ay nagtitingin siya ng maaring suporta sa iniisip niya. At iyon ang naging pagkakataon ko para sikuhin si Raven bilang sinyas na mag-isip siya at siya na ang magsalita, pero parang wala siyang pakialam. Hindi n'ya ako pinansin. Diretso lamang siyang nakatingin sa harapan.

"Ano nanaman bang nangyayari sa lalaking ito?" inis na aking tanong sa isip ko.

"Ano na?" muling naagaw ng aking atensyon ang biglaang pagsasalita ulit ng guard at ako'y napatingin ulit sa kaniya.

"A-no po, 'yang. . ." isip Alia, isip, wika ko sa isip ko. Napansin ko ang pagkainip ng lalaki sa paghihintay ng idadahilan ko, pero alam kong may naisip na siyang dahilan bago pa man niya 'ko tanungin ulit dahil ang nakalipas na minuto niyang pagtitingin-tingin sa library ay sapat na upang makapag-isip siya at iniintay na lang niya ang sarili kong pagpapaliwanag.

"M-may tinapos lang po kaming research at, at 'di po namin namalayan na gumabi na pala," pagpapalusot ko pero alam kong hindi nakalusot. Shit! Hindi nakatakas sa mga mata ko ang kurbang gumuhit sa labi niya sinyales na hindi talaga ako nagtagumpay. I look at Raven at ganoon din ang ginawa niya. Tumingin siya sa akin nang hindi ginagalaw ang kaniyang ulo at muling niyang ibinalik ang tingin niya sa unahan dahilan upang makaramdam ako ng konteng inis.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at may itinuro. "Ang mga libro ay nakakalat, at hindi nakaayos ang cabinet," wika niya.

Oo nga pala, inalis 'yon ni Raven para mawala ang harang sa nagsisilbing pintuan papunta sa natatagong kuwarto. Hindi ko napansin na may ilang librong nahulog doon pero hindi 'yon ang pinagtuunan ko ng pansin kundi yo'ng pader na daan papunta sa secret room, at nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakasarado na ito at hindi na mahahalata pa.

"Kailangan bang ganyanin para sa pagreresearch?" hindi ako nakasagot. "At halatang pagod na pagod ka dahil sa pawis mo," pagpapatuloy niya at agad naman akong napahawak sa noo at leeg ko. Hindi ko namalayan na pinagpapawisan na ako, at mali siya, pinagpapawisan ako dahil sa kaba. Ikaw ba namang tanungin ng mga tanong na hindi mo alam ang isasagot para malusutan, para kang tinatanong sa korte. Napapaisip tuloy ako, ano ba talaga siya, guard o detective?

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now