Kabanata 25: SEEN BY HER OWN EYES

698 113 19
                                    

Do you have a secret, a greatest secret in your life? A secret which you don’t want to unveil. Pero sabi nga nila, darating at darating ang panahon na malalaman at mabubuking ang bagay na ‘to. Lalabas din ang katotohanan at hindi ito maitatago panghabang buhay. At sa mga oras na ito, iyan ang gumugulo sa isipan ko.

What if they found out? What if dumating ‘yung araw na malaman nila ang tinatago ko? Anong sasabihin ng mga magulang ko? Magagawa ba nila akong intindihin? Ano nang gagawin ko?

According ko Marc Allen, there are no secrets, just truths and powerful laws of creation that remain hidden from our awareness until we are ready to hear them. There is no greatest secret of life but there is always some secret to greatest life.

Kasalukuyan akong naririto sa room na binigay sa amin. Ito ang magsisilbing tuluyan namin para sa tatlong araw na activity. May kalakihan ito at may tatlong double deck para sa tutulugan namin. Mayroon ditong isang malaking cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit namin.

The result of the first game isn’t bad at all. We got the second place while the 4th group got the first place. Pumangatlo naman ang unang grupo samantalang ‘yung iba ay walang nakuha dahil naubusan sila ng oras. Naisip ko tuloy bigla kung ano ang dahilan kung bakit naubusan ng oras ang second group, at isa lang pumasok sa isip ko, dahil ito do’n sa lalaking nakipagsagutan kay Mr. Jiminez, si Kieffer. He doesn't show any interest in the game at talagang dinamay pa ang grupo.

Lima kaming babaeng naririto sa room na mula sa ikatlong grupo. Nandito lamang ako sa tapat ng bintana at malalim na nag-iisip habang nakatingin sa napakadilim na gabi. Napapansin ko rin na kanina pa ako gustong kausapin ng mga kasamahan ko ngayon dahil kanina pa sila nagtuturuan kung sino ang kakausap sa akin.

“Sige na kasi,” mahinang bulong ng matabang babae.

“Ikaw! Ikaw nakaisip n’on eh,” iritadong sabi pa ng isa.

“Alia!” tawag sa akin ni Safinah kaya napalingon naman ako. Tinaas ko ang dalawa kong kilay na parang nagtatanong kung bakit niya ako tinawag. “Kanina ka pa ata gustong kausapin nitong dalawa.”

Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa kama na malapit lamang sa kanila. “Bakit?”

Sinanggi naman ng matabang babae gamit ang siko niya ang isa. Ngayon naman ay nagtuturuan sila kung sino ang unang magsasalita.

“It’s okay, hindi naman ako nangangain ng tao,” nakangiti kong sabi sa kanila. “Saka, I think mas maganda kung makikilala natin ang isa’t isa dahil—“

“Ikaw ba ‘yung nahulog sa rooftop noong mga nakaraang linggo?” Natigilan ako dahil sa tanong niya. Mabilis niya iyong sinabi at tumungo.

“Ano ka ba!” mahinang saway sa kaniya ng kaibigan niya.

“Sorry,” mahina niyang sabi. Hindi naman ako makaimik. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

“I think it’s much better if you’ll not talk about that thing. You see, it’s confidential.” Naagaw ng isang pamilyar na boses ang lahat naming atensyon. Nagulat naman ako ng makita ang nakasalaming babae. Siya’y nakatayo sa tapat ng pintuan at hawak-hawak ang door knob. 

“Harriela,” sabi ng babae. Marahil ang tinutukoy niya ay ang babaeng nakasalamin.

“Let’s eat, the dinner is ready,” gaya pa rin ng dati, walang kabuhay-buhay niya itong sinabi.

‘Agad namang nagsitayuan ang kasama ko at lumabas para kumain. Napansin ko ang bahagyang pagtingin nila sa babaeng nakasalamin na tinawag nilang Harriela bago sila tuluyang lumabas. Hindi naman ito pinansin ni Harriela at ngayo’y tanging kami na lamang ang naiwan.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon