Kabanata 12: XAR 065

1.2K 201 21
                                    

"ANAK?" gulat na gulat na wika ni mama at dali-dali akong nilapitan. "Ano'ng ginagawa mo d'yan sa sahig?" Naramdaman ko ang kaniyang mga palad sa aking kamay, inaalalayan akong tumayo. "Come here."

Mom escorted me to the couch. As we sat down, she gently wiped the sweats forming on my forehead.

"May nangyari ba? Bakit nanginginig ang buong katawan mo?"

Tanging iling lamang ang aking naitugon dahil pakiramdam ko'y nanghihina ang aking katawan. No voice was coming out.

That even made her worry. She wasn't convinced na okay ako. At alam ko, kahit ano'ng palusot ko, hindi siya makukumbinsi. I know my mother that she knew me better. She knew if there's something wrong but she won't force me to tell her what's going on, hahayaan niya ako kung kalian ako ready at willing mag-share.

"Saglit at ikukuha muna kita ng tubig." The melody of her voice somewhat calm me.

I heard her feeble footsteps to the kitchen. Ilang minuto lamang ang lumipas at nakabalik na din siya 'agad.

"Uminom ka muna." Inabot niya sa akin ang isang basong tubig. "May sakit ka ba, 'nak?" nag-aalalang wika ni mama at hinipo ang aking noo. "Wala naman. Saka, bakit ang aga mo yatang umuwi ngayon?"

Sinubukan kong magsalita. "P-Po?"

"'Di ba bukas pa ang half day na pasok mo?"

"Po?"

May pagtataka sa mukha ni mama. Nagtatanong ang kaniyang mga mata, animo'y naguguluhan at walang ideya sa nangyayari.

Kumunot din ang aking noo. "Ma... hindi ko ma-gets sinasabi n'yo?" The tone of my voice turn into question form. "Ngayon po ang half day namin."

"Nagbago pala kayo ng schedule."

"Hindi po," buwelta ko 'agad. "Every Thursday pa rin."

Napansin kong mas lumalim ang pag-aalala ni mama sa 'kin. Sinuklay niya ang aking buhok gamit ang kaniyang mga daliri habang ang kabilang kamay ay nakahawak sa aking braso.

"Sige, magpahinga ka na muna. Nagkakamali na rin pati pagtingin mo sa kalendaryo."

"Ano po'ng mali?"

"Miyercules lang ngayon anak, June twenty. Bukas pa ang half day mo."

Bigla na lang tumigil ang paghinga ko. Natulala ako habang pilit na pinoproseso ang sinabi ni mama.

June twenty lang ngayon?

If this was a kind a prank, I would probably laugh at it, pero hindi, it's a kind of prank that crept out my system and drive my curiosity outside the wall.

Ibig sabihin umatras ang oras at bumalik ako sa araw ng Miyercules. Miyerkules kung kailan hindi pa ako napapatay ni Merika.

Kung may sapat pa akong lakas, para sumigaw, para magwala, at para ipagpilitan na alamin kung paano nangyari 'to, gagawin ko. But now, my body was too weary. Literal. My mind couldn't manage to process another brain storm.

"Anak, ayos ka lang ba?"

"M-Magpapahinga na lang muna po ako," tugon ko.

Nang hindi nililingon si mama, hindi nag-iiwan ng kahit anong salita, tumayo ako at nagsimulang maglakad. Kahit nanginginig ang aking mga tuhod, tinungo ko ang aking kwarto at siniguradong naka-lock ito.

Bumulagta ako sa kama ko at ipinikit ang aking mga mata upang subukang unawain ang lahat nang nasasaksihan ko sa aking buhay ngayon.

Kani-kanina lamang ay nasa araw ako ng Huwebes, Hunyo twenty-one, taong twenty-eighteen. But now... bumalik ako... and it was June twenty, twenty-eighteen, Wednesday.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon