Kabanata 5: FANGS

329 29 2
                                    


"GAME ON."

As she mentioned those words, a sudden swift move shocked me. Naramdaman ko ang kaniyang palad sa aking braso. Parang isang hangin ang tumapik sa akin nang mabilis kong nabitawan ang espada. Narinig ko ang ginawa nitong tunog nang tumama sa sahig kasabay ng pagpilipit ng aking braso at pag-ikot ng katawan ko.

"Ah!"

Everything went fast as I found myself locked by her arms. Ang kaniyang kanang braso ay nakasakal sa aking leeg samantalang ang isa ay mahigpit na kinakapitan ang nakapilipit na braso sa likod ko.

"That's it?"

Napangiwi ako na maramdaman ko ang sakit sa braso ko. "Y-You didn't warn me!"

I heard her laugh as I felt her breath touched my neck. "Warnings are just for losers. Danger comes unexpectedly as your enemy is. You can't ask them when and where to stike. You have to be prepared anytime, be alarmed everytime."

"Pero hindi ko naman s-sinabing ngayon mo ako turuan!" reklamo ko pa.

Muli akong napainda nang hinigpitan niya ang kapit sa braso ko mula sa likod. "Hindi ko din naman sinasabing tinuturuan na kita."

"Huh?"

"This is just a qualification test. Kapag kinakitaan kita, tatanggapin ko ang request mo."

Wow! Qualification test huh?

Hindi naman ako na-inform na may kondisyon din pala ang babaeng ito. May gano'n pa palang kailangang ipasa. Mukhang daig pa nito ang pinasasagutang mga test papers sa school. Nakakatawa lang dahil may gano'n pa siyang nalalaman, sa huli nama'y wala siyang magagawa kundi tanggapin ang hinihingi ko.

"What if I didn't pass to your qualification test?" I asked, changing the tone of my voice for the last two words, nasa tono ng pang-aasar habang binibigyan ko ng diin.

"Simple lang." I felt her head drew closer. "Mamamatay kang mahina..."

My system suddenly boiled up when I heard what she said. Nakaramdam ako ng pagkainis dahil sa pang-iinsulto niya sa kakayahan ko. I'm might be weak but that doesn't mean I can't hurt.

Madiin kong kinagat ang kaniyang kamay na nakapulupot sa leeg ko at siniko ang tagiliran niya. Mabilis akong kumawala sa pagkakapit niya at humakbang palayo. As my steps reached about a meter away, I stopped and looked at her.

"I might die weak but I won't die without fighting."

At my position, I saw how the tip of her lip goes up. She's holding the right of her hand using the other one, circling it in the air. Mukhang inuunat niya ito habang pinagmamasdan ang kinagat ko. I laughed in my mind.

I have fangs that will bite you to death.

"Madumi kang makipaglaban."

"Playing fair are just for losers," I uttered remembering what she said earlier.

Madahan siyang lumingon sa akin at sinalubong ang mga tingin ko. Binaba niya ang kaniyang kamay at naglakad papalapit sa akin.

"Then let's make this fight deadly."

Nanlaki ang aking mata dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis niyang pinulot ang nahulog na espada sa sahig at umamba ng atake patakbo sa direksyon ko.

Shit!

Mabilis naman akong gumalaw, hindi ang katawan ko kundi ang mata ko, naghahanap ng pwede kong armas. Wala akong makitang gamit na pwede kong panlaban sa patalim na hawak niya.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now