Kabanata 33: MANIPULATION OF MISDIRECTION

503 77 7
                                    

- MANIPULATION -- OF MISDIRECTION -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MANIPULATION -
- OF MISDIRECTION -

WE stopped at the gas station and we decided to eat at the near convenience store. Kumakalam na rin ang tiyan ko, samahan pa ng pagod dahil sa ginawa naming pagtutulak ng sasakyan para lang makarating kami dito sa station. Mabuti na lamang at malapit ito sa lugar kung saan nawalan kami ng gasolina.

Kailra is leading the way to the store. Kanina pa rin siya reklamo nang reklamo kaya napapakamot na lang ako sa ulo ko. She opened the glass door of the store, kasunod nito ang pagtunog ng isang chimpanzee. We both separated our ways para maghanap ng gusto naming kainin.

"I'll meet you at the side corner," nakangiting sabi niya sabay turo ng isang lamesa na walang nakaupo. Tumango na lang ako sa kaniya at nagsimula nang maghanap ng makakain.

The store isn't that big kaya ramdam na ramdam mo ang lamig ng lugar na nagmumula sa dalawang standing air conditioner. The store has this red and green motif of color, and outside, bago ka makapasok ay makikita mo ang salitang Wood Wing Store na neon lights. Walang katao-tao ang store at tanging kami lamang nina Kilra at ang cashier ang naririto. Siguro nga gabing gabi na pero open pa rin ito dahil 24/7 silang bukas gaya ng gasoline station.

Kinuha ko ang gusto ko at nagtungo sa cashier para magbayad. I only got donut and my favorite oreo na sinamahan ko ng isang mineral water. Matapos kong bayaran ay agad na akong nagtungo sa lamesang tinuro ni Kailra kanina at natagpuan ko naman siya rito na nakaupo.

Tiningnan niya ang dala-dala ko. "Ayaw mo ng heavy meal?" tanong niya sabay tingin sa akin.

Nginitian ko s'ya. "Sa bahay na lang siguro," tugon ko at tiningnan ko naman ang binili n'ya ngunit isang cup lamang ang nakita kong nasa lamesa. Tinuro ko ito, nagtatanong kung bakit 'yon lang ang sa kaniya.

"A coffee." Tumaas ang kaliwang kilay ko sa tugon niya. Alam kong kape ito pero sinong magkakape ng ganitong oras? Wala ba s'yang balak matulog?

Hindi ko na lang pinansin kung anumang trip niya sa buhay. Umupo na rin ako at nagsimulang kumain. Habang kumakain, hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan siya. My eyes got stuck into her.

Hindi ako makapaniwala na ang babaeng kaharap ko ay mas matanda pa sa akin ng dalawang taon. When I first met her at the video call, hindi ko naman maitatanggi na nagandahan na ako sa kaniya, and I think her bubbly and cheerful outlook make her even more beautiful inside and out. She has a sculpted figure which was thin and she has this a white-glossy skin. Her hair is a sunrise-blonde and what's more dazzling is her rapture-green eyes. Sobrang nakakamangha ang mga berdeng niyang mata na bagong bago sa aking paningin. A pair of green eyes are highlighted by a sweeping velvety eyelashes. Kung pagmamasdan, parang pareho lamang kami ng edad, mukha kasi siyang bata and take note, ang ganda pa niya.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon