MJSA 49 - #Annulment

Start from the beginning
                                    

Nasasaktan ako dahil finally, my other half of pain found his happiness habang ako ay hahanapin muna ang sarili bago ko piliing maging masaya.

I lost myself years ago. Nabuhay akong natakot, lumaban, at nangulila sa ibang tao. When was the last time I made myself contented with something?

I lost my own self. Ni hindi ko na kilala ang sarili ko at sa mga nilalaman ng utak ko. I'm a different person now because of the trials I've conquered.

Some part of me wants to bring back the old Winry, if she ever gets back. Dahil siya ang Winry na ako. Hindi ang ako ngayon.

I already have many demons in my head na hindi ko maalis sa isip ko. I couldn't even afford to forgive kung ang dating ako ay iintindihin ang lahat at taos pusong tatanggap ng sinserong patawad.

"Wala naman akong magagawa diba? You already chose something that you really wanted eversince. Ang maging masaya. Sino ba naman ako para pigilan ka?" tanong ko at napabuga ng hangin.

Claus gave me a pitiful looked. "I'm sorry. I'm sorry if I betrayed you. I'm sorry if you thought that you weren't important to me. God knows you are. God knows I loved you and I care for you. Nagawa ko ang lahat ng ito dahil doon."

Peke akong ngumiti, "Do you know how much I hate that word? Ilang beses ko narinig 'yan sa buong isang linggo. Pwede rin ba kong mag-sorry?" ani ko at sinusubukang pigilan ang galit ko.

"Sorry dahil napaka-selfish ko para sabihing hindi ka naging totoong kaibigan dahil pinagmukha mo kong tanga. Dahil mas pinili mo 'yung taong ilang beses kanang sinaktan kaysa sa taong naging kasama mo noong mga panahong nasasaktan ka." mariin kong sinabi.

Hindi ko namalayang tumulo nanaman ang luha ko.

"Alam mong pinagmumukha nakong tanga ng dalawang 'yun pero sumali ka pa. Sumali ka pa na siyang taong natatangi nalang na pinagkakatiwalaan ko."

"Believe me, I told them about that. I never want to make you stupid. Dahil pinagmukha rin nila akong tanga. I just learned to accept it and get over with it. Bakit hindi mo rin 'yun magawa?" bulalas niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Maging siya'y nagulat rin. Napakagat labi ako hanggang sa narinig ko nanaman ang putanginang salitang sorry.

"Siguro nga gano'n talaga kapag nahanap na nila ang kasiyahan sa puso nila. Don't worry, I'll take note of that. Acceptance." sabi ko at umatras.

Sinubukan niyang bumangon ngunit sa tingin ko'y hindi niya pa kaya.

"Winry, don't go. Mag-uusap pa tayo." pigil niya.

Sinubukan kong ngumiti, "No, you're actually right. Truth hurts, isn't?" sabi ko hanggang sa umabot nako sa pinto.

"I wish you all the best." malungkot kong sinabi bago tuloyang lisanin ang kwarto niya.

Naabutan ko silang tatlo sa labas. Napatingin sila sa loob ng marinig nila ang tawag ni Claus sakin.

Nagkatinginan kami ni Ate at halatang naguguluhan siya.

"Take care of him," napapaos kong bilin kay Ate bago huminga ng malalim.

She smiled, "I will..."

Tumango lamang ako at bumaling kay Mommy. "Halika na, Mom. Iuuwi na kita sa mansyon."

Tipid na ngumiti si Mommy, "Hindi na muna, hija. Iuuwi ako ni Yanara sa kanila para makilala ko ang apo ko."

Pinilit kong ngumiti at tumango. Sinulyapan ko si Sheun bago naglakad paalis. Alam kong susundan niya ko dahil sa kaniya naman ako uuwi.

Tahimik kami buong byahe. Parehong malalim ang iniisip naming dalawa ngunit walang ni isa ang nagbalak magsalita.

I don't know what to say anyway.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now