MJSA 7 - #Awa

3.8K 143 23
                                    

Happy 5k Followers! Thank you so much guys!! Big na'to para sakin! Haha! So, because of that, gagawan ko ng special chapter si Castielle but not sure when to post!!

**

Chapter 7

Napabalikwas ako ng bangon ng may malakas na tumunog sa kung saan. Kumunot ang noo ko ng makitang nasa ibaba ako ng kama natulog. Napakamot nalamang ako habang tumatayo.

Ang lambot din kasi ng sahig nila na kung tawagin ay carpet. Para kasing nanibago ako sa kamang hinihigaan ko, dati rati kasi banig lang naman hinihigaan ko.

Hinanap ko ang ingay mula sa gilid ng kama. Doon nakita ang bagong cellphone na ipinalit ni Sheun sa hinulog niyang cellphone.

Nanlaki ang mata ko ng makitang alas tres palang ng umaga at may nakalagay ro'n sa screen na: Aswang ka diba? Welcome! I just woke you up in time.

Napapikit ako ng mariin. Siya ba ang may kagagawan nito? Anak ng chooey toffee naman, oh! Tsk! Ayan tuloy! Bigla 'kong namiss ang chooey toffee!

Sumalampak ako sa kama at nakangusong tinignan ang cellphone na ngayon tumigil na sa pagtunog dahil pinindot ko 'yung stop na nakalagay do'n.

"Kung pwede lang kitang aswangin, pero paano diba? Pareho tayong maligno." iiling-iling kong sinabi.

Makikita talaga ng kapreng 'yan. Gaganti ako sa kaniya! Agad akong bumangon sa kama at lumabas. Alam ko kung saan ang kwarto ng kapreng 'yun kaya wala siyang takas!

Nang makalabas ako, madilim na ang buong bahay. Dahan-dahan akong lumabas upang puntahan ang kwarto ni Sheun na hindi malayo sa kwarto ko. Mahina akong bumungisngis habang naiisip na mabubulabog ko ang mahimbing niyang tulog.

Akala niya maiisahan niya ko, huh? Yun ang akala niya!

Kakatukin ko na sana ang pintuan ng buong pwersa ng bigla itong bumukas kaya dumapo ang kamay ko sa isang malapad na dibdib. Pareho kaming nagulat sa isa't-isa.

Pero mas gulat na gulat ako dahil wala siyang damit pang-itaas at kasalukuyang nakadapo ang kamay ko sa hubad niyang katawan. Doon palang ay gusto ko ng sumigaw.

Sisigaw na sana ako ngunit bigla niyang tinakpan ang bibig ko at kinabig ang bewang ko palapit sa kaniya kaya mas lalo kong naramdaman ang init na hatid ng dibdib niya.

"Tumahimik ka nga!" mariin niyang bulong.

Hindi ko alam kung bakit napatulala nalamang ako sa katawan niya. Hindi ko akalain na may ganito kaperpektong katawan. Hulmado ang mga muscles niya at ngayon ang matipuno niyang dibdib ay parang isang perpektong sining.

Nang bitiwan niya ko ay nanatili ang manghang mata ko sa katawan niya ngunit ng makita ko ang nakakunot niyang noo ay bigla akong natauhan.

"What the heck are you going to do?" tanong niya, tunog istriktong propesor.

Napalunok ako. "May kapre kasing nagpa-alarm ng alas tres ng umaga sa cellphone ko. Alam mo kung sino?" sarkastikong sagot ko at pinanliitan siya ng mata.

Tumaas ang kilay niya na tila naalala ang ginawa niya sakin. Sinara niya ang pinto niya kaya muli akong nakasulyap sa katawan niya. Anak ng chooey toffee, bakit nakakaakit ang—anong ba 'tong pinagsasabi ko?

"You should be thankful, you owe me for waking you up." Sagot niya at naglakad na papuntang hagdan.

Sinundan ko siya, "Akala mo ba mangangaswang ako? Kaya naman pala gising ka rin. Kunsabagay, kapre ka."

Tumigil siya saglit habang nasa hagdan kami. "You're going fond calling me that name, do you think you have a bit of right to call me names?" dire-diretsyo niyang English.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon