MJSA 15 - #Magulo

3.5K 148 13
                                    

Chapter 15

Hindi ako mapakali sa isang lugar habang iniisip ko kung ano ng nangyayari kay Sheun. Sa taranta ko, sumunod kaagad ako sa hospital kung saan siya dadalhin.

Maraming nagdala sa kaniya sa hospital. Nagkagulo ang lahat ng estudyante na para bagang ang hari ay napatumba.

Lahat nag-aalala. Lahat may malaking tanong sa isip kung bakit bigla nalang nawalan ng malay si Sheun habang lumalangoy.

Hindi ko nasaksihan ang pangyayaring nawalan siya ng malay dahil papunta ako kay Daphne na agad tumakbo malapit sa pool ng talunin ng coach at ng iba pa si Sheun.

Nagtext ako kay Auntie at Miss Shian sa nangyari kay Sheun, pero pareho silang wala paring reply sakin.

Kanina pa ko naghihintay sa labas ng kwarto ni Sheun kung saan nasa loob pa ang mga coach at teachers na nagdala sa kaniya.

May mga nag-aabang din sa labas na katulad kong mga estudyante. Kahit na pasimple nila akong tinitignan sa upuan, wala akong pakialam.

Talagang big deal ang panget sa mundo, gano'n?

"Hey, ikaw si Winry, diba?" tanong ng isang lalakeng bukod tanging tumabi sakin.

Tumango lang ako sa kaniya matapos ko siyang sulyapan. Bukod sa hindi ko siya kilala, wala akong pakialam sa kung sino ngayon.

"I'm Rios. I'm Sheun's closest friend." aniya at kahit sa gilid ng mata ko kitang-kita ang malapad niyang ngiti.

Tinignan ko siya at binigyan ng tipid na ngiti.

"Ah, Nice meeting you." ani ko.

"Nag-aalala ka kay Sheun, ano? Nakita kitang agad-agad pumunta dito. Aayain na sana kitang sumabay sakin." aniya.

Feeling close, agad?

"Pano mo nga pala ako nakilala?" takang tanong ko.

"Ah! That! Sheun would always rants about you. You really did a great job annoying him everyday, aren't you?" mangha niyang sagot.

Napaiwas ako ng tingin. "Paanong araw-araw kung hindi naman kami nagpapansinan?"

"Hmm? Then, why does he always talks about you then?" takang tanong nito at napangalumbaba.

Napatingin ako sa kaniya ng seryoso. "Bakit naman?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam. Sheun's always grumpy, you know. Strict and serious, but whenever we jam a bit during break, he would share who annoys him."

Kumunot ang noo ko. Hindi na nga kami nagpapansinan, ina-annoy ko pa siya. Ina-ANNOy ko ba siya?

"But, I think, this past month something was bugging him. Do you know something?" seryoso niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. "Hindi kami close." diretsyo kong sagot.

"Sa tingin ko kasi, he's been worried about Daphne. And he's very stress..."

Tumaas ang kilay ko. Nakaka-stress nga naman talaga si Ate Yanara. Sobra na.

"Hindi nga kami close." giit ko.

"Pero nandito ka? Nag-aalala sa kaniya?" pang-aasar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kaibigan ka ba talaga ni Sheun? O, sadyang chismoso ka lang na maraming alam?" seryoso kong tanong.

Napahalakhak siya. "Hard mo naman! Mukhang alam ko na kung bakit nag-aaway kayo palagi ni Sheun!" aniya.

Napailing-iling ako. Kaibigan ba talaga to ni Sheun? Kasi kung kaibigan niya to, hindi ba nabagot ang kapre sa bibig nito?

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now