MJSA 2 - #Salot

4.5K 154 25
                                    

Chapter 2

"Do you think you can hide under that small piece of cloth?" mahina niyang tanong at ang boses niya'y nakakaliyo.

Biglang pumungay ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung imbis na matakot dahil nakilala niya ko ay para bang gusto ko pang matitigan ang magaganda niyang mata.

May biglang humila sa bewang ko kaya sa kaniya naman ako napakandong.

"Wag mo namang solohin, pre!" ani ng lalakeng humila sa'kin.

Napangiwi ako ng pumulupot ang kamay nito sa bewang ko at hinimas ang tiyan 'kong lantad.

Umangat ang labi ni Sheun tila nasiyahan pa ang bakulaw sa ginawa ng kaibigan niya."Be careful with that girl, pre. Bago mo patulan, alamin mo muna kung maganda." pangungutya niya.

Ay leche 'to, ah?

Para naman akong natauhan sa sinabi ng aroganteng lalakeng to! Pinagsisisihan 'kong nahumaling ako sa kaniya ng ilang minuto!!

Kaagad akong tumayo dahil tapos na rin namang ang sayaw at si Rizel lang naman dapat ang pagpi-piyestahan nila at hindi ako.

"Anong pinagsasabi mo, pre? She's beautiful!" sagot naman ng isang may hawak kay Rizel.

Wala na si Lotie kaya siguro kailangan ko na'ring umalis. Bahagya akong yumuko habang nakatingin sa kanila.

"Pasensya na po, pero kailangan ko ng umalis. Back-up dancer lang naman ako dito. Hindi naman ako ang main dancer, hindi ko kailangang maging maganda." matalim kong sagot at umalis na.

Leche! Balahura! Gagong arogante! Mabaog ka sana!

Rinig ko ang reklamo nila kay Sheun dahil pinikon niya ako.

Ang antipatikong 'yun. Arogante porket nuknukan ng gwapo!

"Bakit ka lumabas!?" pasinghal na tanong ni Madam Gogo ng makalabas ako.

Napakamot ako ng ulo. "Eh, umalis na rin si Lotie eh. Ginaya ko lang naman siya..."

Humalikipkip siya, "Si Lotie, understandable kasi reserve siya ng isang lalake sa labas, ikaw walang may naka-reserve sayo kaya bumalik kana do'n kung ayaw mong hindi ka maswelduhan ngayong gabi!" asik niya kaya napapikit ako.

"Pero, Madam Gogo. Nabastos po ako..." nakanguso kong sinabi.

Nanlaki ang mata niya. "Weh? Di nga?" di makapaniwalang tanong niya.

Ay anak ka ng! Anong klaseng reaksyon naman 'yan! Di porket kalahating panget ako wala ng papatol sa'kin! Tss.

Napasimangot ako. Magsasalita na sana si Madam Gogo nang bigla siyang mapatingin sa likod ko at kaagad kumislap ang mga mata at napaayos ng tayo.

Tila nagbago ng anyo. Grabe nakakatakot siya. Bigla nalang nag-e-evolve parang pokemon, 'yun nga lang pokeng-ina siya.

"Hi, Sir Sheun. What can I help you?" maarteng tanong nito kaya nilingon ko ang nasa likod ko.

Halos mapaatras ako ng makita ko si Sheun. Sumunod pa talaga siya! Kumabog ng mabilis ang puso ko.

Anak ng! Kabute ba siya?

"Excuse me? Can I take this woman out?" aniya.

Tumaas ang kilay ni Madam Gogo at tumingin sa paligid. "Sino?" takang tanong ni Madam Gogo na para bang wala ako sa harap niya.

Umirap ako. Bwesit talaga 'tong baklang pokeng-ina.

Tinuro ako ni Sheun. "This woman. How much?" he asked at biglang naglabas ng wallet.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now