MJSA 27 - #Threat

3.7K 125 8
                                    

 Chapter 27

Binati kami ni Gina Rodriguez ng makarating kami sa mansyon nila.

As expected, wala si Daphne at ngayon mukhang alam ko na kung bakit gusto kaagad akong makausap ni Gina Rodriguez.

"Claus, is everything fine now?" makahulugang tanong ni Gina.

Tumango ang malamig na si Claus habang nakaupo sa couch.

"Everything's under control." walang kabuhay-buhay na sagot nito at nakatingin sa kaniyang cellphone.

"Dianese, hija. How are you? Hindi kana nadalaw dito..." aniya ng nakangiti.

"I was very surprised when I saw you again without your scar. Hawig na hawig mo ang iyong Ama." dugtong nito.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kaniyang mga ngiting kakaiba. Hangga't hindi nawawala sa isip ko na may relasyon sila ni Dad noon ay mainit ang dugo ko sa maamong si Gina Rodriguez.

"Alam mo ba kung anong balak ni Ate kung bakit siya dumalo sa party ni Daymos?" tanong ko sa kaniya.

Nawala ang ngiti sa labi niya. "I don't know about her plans... I'm trying to stop her but she's so eager with what she's doing." malungkot nitong saad.

Napahilot ako sa aking sentido.

"But, Dianese... Alam niyang ikaw ang tagapagmana ng Gokongwei at Yapenco empire, ang kompanya ng Mom mo, kaya ikaw ang pinapahanap ni Daymos. Then, Daphne proclaimed that she is you. Yun lamang ang alam ko."

Kumunot ang noo ko. "Bakit ako lang ba ang tagapagmana? Mas matanda si Ate Yanara sakin kaya alam kong siya dapat ang mauunang mamahala ng kompanya." seryoso kong sinabi.

Nagkatinginan si Claus at si Gina Rodriguez. Hindi ko alam kung bakit kumalabog ang puso ko dahil sa naging reaksyon nila.

Anong ibig sabihin nito? Bakit ako ang unang magmamana?

"Tell her... Ayoko ng patagalin pa 'to. She will know otherwise." malamig na sinabi ni Claus.

Napatingin ako sa kaniya. "Anong ibig sabihin nito? May alam ka? Ano pa bang hindi ko alam?" mariin kong tanong.

Mataman akong tinignan ni Gina Rodriguez at nakikita kong nagdadalawang isip siyang sabihin sakin.

"I don't think I have the right to tell you th—"

"Eh, sino ang may karapatan? Si Dad? Si Mom? Kailangan ko pa bang sumakabilang buhay para malaman kung anong tinatago niyo?" giit ko.

"Dianese... I don't know how to tell you. It was a mistake..."

Ikinuyom ko ang kamay ko. "May relasyon ba kayo ni Dad?" seryoso kong tanong habang nakatitig ng mariin sa kaniya.

Nanlaki ang mata ni Gina Rodriguez at napaawang ang bibig. Base sa mga mata niya, alam kong tama ako.

"May relasyon ba kayo ni Dad!?" asik ko.

Tinakpan niya ang bibig niya at napatungo habang nakapikit ng mariin.

"I'm sorry..." mahina nitong sinabi.

Napapikit ako ng mariin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ngayon ay klarong-klaro na.

"At anak niyo si Ate Yanara? Kaya ba ako ang magmamana ng kompanya ni Dad at ng pamilya ni Mom?" tanong ko.

Kaya ba sakin ipapamana ang Yapenco dahil ako lang naman ang Yapenco at Rodriguez si Ate Yanara.

Pero kahit kailan hindi ko naramdaman iba si Ate. Mahal na mahal kami ni Mommy na parang totoo niyang anak. Ganon rin si Daddy. Wala akong naramdamang iba.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now