MJSA 24 - #Change

3.9K 173 67
                                    

Chapter 24

Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang malalaking gusali dito sa Estados Unidos. Ilang araw na kami dito pero hindi parin ata ako nasasanay.

Nung unang araw ko rito ay para akong nakarating sa ibang mundo dahil ibang-iba ang pamumuhay at kapaligiran nila dito. Ngunit wala kami rito para magliwaliw, dahil malala na ata ang kalagayan ni Miss Shian.

May problema sa puso si Miss Shian at ang kwento ni Auntie mukhang may kinalaman si half nuno kung bakit siya nawalan ng malay. Alalang-alala si Auntie at ramdam ko ang galit niya kay half nuno.

Hindi ko rin mapigilang hindi magalit kay half nuno. Bakit niya ba laging sinasaktan ang damdamin ni Miss Shian na walang ibang ginawa ay ang mahalin siya?

Kahit kailan, napaka-komplikado ng pag-ibig. Pati narin ang buhay. Kung tutuusin, wala akong panahon sa pag-ibig pero ito ako... iniisip si Sheun na naiwan sa Pilipinas.

Kapag naalala ko ang huling pag-uusap namin hindi ko mapigilang mapangiti at iniisip kung ano sanang nangyari kung hindi kami umalis agad ni Auntie?

Umuwi kaya siya? Paano ko maipapaliwanag na hindi gano'n ang ibig kong sabihin? Paniguradong iniisip niya na ngayon na gusto ko siya na siyang totoo naman pero tama ba talaga to?

Paano si Ate? Mahal niya si Sheun at pinili niya si Sheun kahit alam kong may pagtingin narin siya kay Claus.

Bumuntong hininga ako. Sumasakit nanaman ang ulo ko.

"Hija, I'll drop you off to the hospital. Pupunta lang akong banko. Dumaan ka muna sa restaurant sa baba baka gutom si Shian. I'll be right back..."

Tumango ako kay Auntie. Lalabas na si Miss Shian sa hospital pero hindi pa kami babalik ng Pilipinas. Ang sabi ni Auntie ay dito kami magpapalipas ng bakasyon at dahil narin sa lilipat na sila sa Darmarinas, Makati.

Nang makababa ako ay dumiretsyo kaagad ako sa restaurant. Mukhang mapapasubo nanaman ako sa englishan sa mga kano dito.

Umupo ako sa lamesa upang umorder. Agad rin akong nilapitan ng waiter para tanungin ng order ko.

"Ahh, give me some 2 beef tenderloin with rice... salad and mashed tomato. Take out."

He repeated my order at tumango nalang ako. Napabuntong hininga ako. Minsan napapa-english nalang talaga ako ng hindi ko namamalayan. Mukhang pag-uwi ko, foreigner na ang peg ko.

Mabuti nalang at hindi masyado big deal dito kung panget ka o may peklat kaman sa mukha.

Habang nag-aantay ng order ay tumaas ang kilay ko ng may umupo sa harap ko. Nakasuot siya ng shades pero alam kong nakatingin siya sakin.

"Excuse me, I'm occupying this table." Sabi ko.

Ngumisi siya. "I can't understand why that bastard made me do this for you..." anito at may nilagay sa lamesa.

Kumunot ang noo ko ng makitang sobre 'yun.

"What's that?"

Pilipino ba to?

"Letter from him. Don't forget to write him back. Follow this address, I'll be the one to deliver it to him..." anito kaya kumalabog ang puso ko.

Kumunot ang noo ko. Him? "W-Who sent this?"

"Check out and see..." anito at iminuwestra ang kamay sa sobre.

Dahan-dahan koi tong kinuha. Hindi kaya galing it okay...

Bigla akong nadismaya ng makitang galing ito kay Claus.

"You looked disappointed, do you expect someone else?" tanong nung lalake.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now