MJSA 18 - #Barrette

3.7K 135 29
                                    

We have a facebook group. Miss_Aech Readers. You can join guys!

**

Chapter 18

Mabilis lumipas ang mga araw at Pasko na. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang may alam si Claus tungkol samin ni Ate Yanara.

Ngunit nagpapasalamat akong hindi niya ipinagkait sakin ang mga katanungang gusto kong malaman ngunit may mga tanong din siyang hindi sinasagot.

Katulad nalang ng bakit niya 'to ginagawa? Kanino siya nagta-trabaho? Yan ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.

Una palang, masama na ang kutob ko dahil nangangamba akong may alam si Claus sa mga Gokongwei dahil 'yun kaagad ang tanong niya sakin.

Hindi imposibleng kilala niya nako noong una palang. Nakakalungkot lang dahil nilapitan niya ako dahil ako ang kailangan niyang protektahan.

Ipinahayag din sakin ni Claus na pinapahanap kami ni Ate Dianara dahil nalaman niyang buhay kaming dalawa. Buhay ang mga tagapagmana ng imperyong sinasarili niya ngayon.

Wala naman akong pakialam sa imperyo namin. Ang gusto ko lang naman ay malayo sa pamilyang gustong-gusto pang mawala nalamang kami ni Ate.

Ngunit hanggang ngayon, dinaramdam ko parin ang sakit dahil muntik ko ng inakalang may gusto nga sakin si Claus.

"Winry..." tawag ni Claus sakin.

Hinintay niya kong makalabas sa room kaya pinag-uusapan nanaman kaming dalawa. Naalala ko nung isang araw, kamuntik nakong sugurin ng isang babae kundi lamang siya sa pinigilan ng mga kaibigan niya.

Hindi ko siya pinansin at mabilis akong naglakad palayo ngunit rinig ko ang mga yapak niyang sinusundan ako.

Naramdaman kong hinila niya ko para humarap sa kaniya. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

Simula nung sinasabi niya sakin ang lahat. Nagsimula nakong iwasan siya ng tuloyan dahil sa sakit na nararamdaman.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko si Claus. Noong una palang naman, hindi ba? Dahil napakamisteryoso niya.

Tama nga si Jucas, masamang magkagusto sa kaniya. Baka ito ang ipinapahiwatig ni Jucas tungkol kay Claus. Ano naman kayang alam ni Jucas?

"Winry, mag-usap tayo." aniya at ramdam ko sa kamay niya ang pagkahigpit.

"Ano pang pag-uusapan natin? Sasabihin mo na ba kung bakit mo kami prinoprotektahan?" tanong ko na para bang wala lang siya sakin at sinubukan pang ngumiti.

Bumuntong hininga siya, "Stop avoiding me..." masuyo niyang sinabi.

Natigilan ako saglit dahil naramdaman ko ulit ang pag-humerentado ng puso ko.

"Bakit hindi?" taas noo kong tanong sa kaniya.

Nagtiim bagang siya, "Cause I don't want to. Ayokong iniiwasan mo ko."

Napalabi ako, "Bakit nga? Bakit pa ko makikipaglapit sayo? Para ba mas madali mo kong maprotektahan?" iritado kong sinabi.

Mataman niya kong tinignan, "It's not like that... I want to protect you but you also need to cooperate with me. To team up with me..."

Pagak akong napatawa, "Wag kang mag-alala. Hindi ko naman ipapakita ang pagmumukha ko kay Daymos. Hindi ko na kailangan makipag-team up sayo. Si Ate Yanara nalang ang protektahan mo." sagot ko at tinalikuran na siya.

"Winry, let's fucking talk properly. We couldn't fix this..." masuyo niya ulit sinabi habang sinusundan ako.

Huminto ako upang harapin siya at sinamaan ng tingin. "Fix? Anong gusto mong ayusin? Magkaibigan parin tayo. Ano pang aayusin natin?"

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now