MJSA 11 - #Scar

3.8K 133 17
                                    

Sorry guys for making you wait for the update! Really had been busy applying for college.

Chapter dedicated to @missRenJin17
Thank you for your long comments every update :)

***

Chapter 11

Naramdaman kong binuhat ako ni Sheun habang humihikbi ako. Ipinaikot ko ang kamay ko sa leeg niya habang isinandal ang ulo sa balikat niya.

Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso niya habang ako naman ay biglang nakaramdam ng init.

"Bakit hindi ko pwedeng gustuhin siya?" bigla kong tanong habang nararamdaman kong naglalakad na si Sheun habang buhat ako.

"Who?" tanong niya.

Suminghot ako. "Si Claus Montañez."

"Why do you even like him?" tanong niya at narinig ko ang yapak niya paakyat sa hagdan dahil nakapikit lang ako at pinakikinggan ang tibok ng puso niya.

Hindi kaagad ako nakasagot hanggang sa may buksan siyang pinto at pumasok.

"Hindi ko alam. Ang sabi nila kapag may gusto kang tao, bumibilis ang tibok ng puso mo." inaantok kong sagot.

At sobrang lakas ng tibok ng  puso mo, kapre. Ano naman kaya ang dahilan niyan?

Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko hanggang sa imulat ko ang mga mata ko at nakitang malapit si Sheun sakin.

Seryoso ang kaniyang mukha at magkasalubong pa ang kilay. Sa pagkakataong ito, kinabahan ang puso ko.

"M-Masaya kapag nakikita mo siya..." dugtong ko at tumitig sa mga mata niya.

Nawala ang salubong niyang kilay. Hindi ko alam kung naliliyo ba ko o biglang lumapit ang mukha niya sakin at bahagyang hinaplos ang mukha ko sa bandang may peklat.

"How about me? Hindi ba bumibilis ang tibok ng puso mo kapag nakikita mo ko?" tanong niya.

Napakurap ako sa tanong niya. Para bang sa sinabi niya biglang humerentado ang puso ko at nagrigidon ng sobrang lakas.

Pinagmasdan ko ang mukha niya hanggang sa hubad niya paring katawan hanggang ngayon. Napalunok ako bumalik ang tingin sa kaniya.

"Bumibilis..." sagot ko at mataman siyang tinignan.

Umawang ang labi niya at bakas ang gulat sa mukha niya, pero kaagad kong hinawakan ang magkabilang gilid ng sentido ko.

Pumikit ako ng mariin. "Bumibilis ang pintig ng ugat ko sa ulo kapag nakikita ka." dugtong ko at hinilot ang gilid ng ulo ko at ngumiwi ng peke.

Biglang nagseryoso ang mukha niya at kaagad lumayo. "Matulog kana nga." aniya at tinakpan ang mukha ko ng unan.

Inalis ko ang unan at saka tumagilid ng higa. "Ge. Good night." wala na sa sariling sagot ko at ipinikit na ang mga mata.

Antok na antok na talaga ako.

Nakatulog ako at habang himbing na himbing akong natutulog kaagad akong nilamon ng panaginip o masasabi kong isang alaala.

"Ate, anong gagawin natin sa labas?" tanong ko sa nakakatanda kong kapatid habang hila-hila ako patungong labas ng bahay.

"Shut up, baka marinig tayo ni Dad." pabulong niyang sinabi at patuloy akong hinila hanggang sa makarating kami sa labas.

Dapit-hapon na at narito kami sa isang beach house kung saan paglabas ng aming tinitirhan ay dagat ang sasalubong sayo kaagad.

"Gusto ko ng bonfire, diba marunong ka? Girl scout ka naman." utos ni Ate habang nakahalukipkip.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now