MJSA 36 - #Destroy

3.4K 129 14
                                    

The new educational system is fucking my brains out everyone. So, I hope you understand why I always have late updates. I hope I won't disappoint each one of you. 

Please don't forget to comment down below. It could help me! Thank you!

**

Chapter 36

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Ate ng yumakap sa kaniya ang bata. She squatted to reach for her daughter while looking at the running girl towards them.

"What the hell, nanny? Sinabi kong wag mo siyang palalabasin!" sita niya sa babae.

"S-Sorry po, Ma'am. Ang bilis po kasing tumakb--"

"Oh, shut up!" asik nito.

Narinig kong tumikhim ang katabi ko. Nagulat ako sa nakitang galit at poot sa mata ni Claus ngayon.

It was like I saw Sheun on him. When he was mad at me for what I did. Na para bang nasaktan siya ng husto.

"So, this is your secret, huh?" mapaet na sinabi ni Claus.

Kahit nasasaktan ako sa nadiskubrehan, hindi ko maipagkaila na naguguluhan ako sa kung anong relasyon ang meron si Claus at si Ate.

"Mommy, sino sila?" tanong ng bata.

Napatingin ako kay Ate na gulong-gulo narin sa nangyayari. Is she hiding her daughter? Bakit niya ito itinatago?

If only I knew... I... I never gave in. I never gave myself to her father because that's fucking wrong. Napaka-imoral ng ginawa ko.

Muling sumikip ng husto ang puso ko habang nakatitig sa maliit na bata. She looks like Daphne for heaven sake! Though, I couldn't see any resemblance from Sheun, wala nakong kilala pang lalakeng konektado kay Ate.

It was only Sheun for her.

Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha saking mga mata.

"Claus..." mahinang tawag ni Ate habang gulong-gulo ang kaniyang mga mata.

Umigting ang panga ni Claus. "You could have said so..." mariin nitong sinabi at nagulat ako ng hilahin niya ako ng marahas.

Nagpatianod ako sa paghila niya sakin. Lumabas kami kung saan ko naabutan ang iba pang sekyu na nakalupasay sa semento habang 'yung Gester naman ay gano'n rin.

I know Claus is well trained when it comes to combat fighting. Hindi ko pa nakakalimutang kasali siya sa arnis at karate club kaya alam ko na kayang kaya niyang patumbahin ang mga ito ng gano'n kabilis.

Claus dragged me inside his car. Habang nasa loob ako ay ramdam na ramdam ko ang galit ni Claus. He's mad... It was like he's going to explode.

When the engine roared halos mapakapit ako sa upuan sa sobrang bilis ng kaniyang pagmamaneho. My heart is flipping sa sobrang bilis niya.

Seryosong-seryoso siyang nagmamaneho habang nakasalubong ang kilay. I could see the dark aura of his eyes that could ready to kill.

"Claus, calm down..." sabi ko habang sinusuot ang seatbelt.

I looked at him and he didn't even hear me. Hindi ko maintindihan. What's going on? Why is he acting this way?

Apektado ba siya dahil may anak na si Daphne? Is that it?

"Claus, what's going on? Can you drive slowly!?" sita ko.

Napapitlag ako ng bigla niyang hampasin ang manibela ng huminto kami dahil sa traffic.

"Fuck!" bulalas niya at patuloy lamang siya sa paghampas ng manibela.

May tumulong luha sa mga mata ko dahil sa nararamdamang sakit. I could be him, though. Kung totoo mang apektado siya kagaya ko dahil sa nalaman, we're the same.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now