MJSA 20 - #Talon

3.7K 133 34
                                    

Chapter 20

Pasukan na ulit at huli na ng malaman kong ipapasama ako ni Uncle kay Sheun sa planta nila sa Bicol.

Wala naman akong magawa parte diyan dahil hindi naman ako makatanggi dahil gusto nilang sumama ako para magkaroon nako ng ideya tungkol sa larangang ito.

Hanggang ngayon hindi parin kami nagkikibuan ni Sheun. Kung mag-uusap kami mabilis lang at minsan paangil pa siya magsalita.

Hindi ko na nga lang siya sinasagot kapag ganoon kaya nagagalit pa siya. Ginagawa ko lang rin naman ang ginagawa niya sakin kapag tinatanong ko siya at hindi siya sumasagot.

Ngayon na ang alis namin. Tatlong araw kami maglalagi doon kaya nagdala ako ng gamit.

"Sheun, alam mo na ang gagawin mo, anak. Report me the cementation process na nireport na nabago, and don't forget to tour Winry around." paalala ni Uncle.

"I'm not her tourist, Dad. Wala akong panahon para ipasyal siya." supladong sagot ni Sheun.

Umiling-iling si Uncle, "I hope when you get back here, magkabati na talaga kayong dalawa. You really need to get along with Winry, Sheun. She's part of the family now." seryosong saad ni Uncle.

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Uncle. Isa na nga ba talaga ako sa pamilya nila? Bakit sa tingin ko ibang-iba parin ako kahit hindi naman sila nagkulang?

Ginamit ni Sheun ang sasakyan niya upang tumungo sa Bicol. Malayo ang byahe at malamang mag-gagabi na kami makakarating.

Bago kami umalis ay nilagay ni Sheun ang cellphone niya sa lagayan ng cellphone na nakadikit sa window frame at may kinalikot doon.

Pinaandar niya na ang sasakyan hanggang sa may narinig akong tunog sa cellphone niya at agad lumabas ang mukha ni Daphne.

"Morning, babe." anito sa kabilang linya halatang kakagising lang.

"Just woke up?" tanong ni Sheun dito.

Nag-iwas ako ng tingin. Mukhang buong byahe akong magtitiis sa dalawang ito. Kaya nakaisip ako ng paraan para hindi sila marinig.

"Where you at?" tanong ni Daphne habang ako naman ay naghahanap ng earphones.

"Bicol, Dad gave me an errand. Going to school?" tanong naman nung isa.

"Mmm. Yeah, but I would be late. Sino kasama mo?"

"I'm with freak..." sagot nito.

Tuloyan ko ng sinalpak ang earphones ng makita ko ito at nagpatunog pero nakapagtataka dahil mukhang wala atang nasagot si Daphne ng malamang kasama ako.

Siguro naman, hindi na siya kabado. Bakit naman ako magugustuhan ng boyfriend niya? Siya na ang nagsabing hindi pero nagseselos siya. Baliw din. Noon paman, selosa talaga si Ate.

Pinatunog ko ang naging paborito kong kanta sa Spotify kung saan nirekomenda ni Aleyna at Damon sakin.

Quest, Ben&Ben, Lauv, French Kiwi Juice, at IV of Spades ang mga indie song na nirekomenda ni Claus sakin.

Pinatunog ko ang mga ito hanggang sa makatulog ako sa byahe na mayroong bigat sa puso.

Dahil kahit nakasalpak na ang tenga ko ang earphones rinig ko parin sila ng kahit konte.

"I love you too..." malambing na sagot ni Sheun kay Daphne.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Nag-unat ako ng konte at agad napatingin kay Sheun na seryoso ang mukha habang nagmamaneho.

Nakita kong wala na siyang kausap at ang tanging ingay ay mula sa malamyos na tunog na music sa stereo.

Napatingin sakin si Sheun. "Are you hungry?" suplado niyang tanong.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now