MJSA 17 - #Protect

3.7K 133 21
                                    

Chapter 17

Hingal na hingal ako habang tumatakbo sa malawak na field ng Thaguro University. May mga naglalaro ng soft ball at mayroon ding mga athletes na tumatakbo rin at 'yung iba nakaupo lang at pinanonood ako.

Bwesit.

Bakit nga ba kailangan ko ng special training mula kay Sheun? Kahit ayaw ko, kung gusto ng hari ng mga kapre, dapat mangyari.

Okay lang sana kung si Ethan nalang magturo sakin, eh. Matitiis ko pa kasungitan nun, pero si Sheun? Mabilis mapigtas ang litid ng pasensya ko.

"Bilisan mo naman!" sigaw ni kapre nang mapadaan ako sa pwesto niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako magiging magaling kung patatakbuhin mo lang ako ng patatakbuhin!" asik ko sa kaniya.

Tumayo siya at sinamaan ako ng tingin, "We're not even starting yet, but you're already complaining. You have to be punish."

Pagod ko siyang tinignan, "Wow, hindi pa ba punishment 'tong pinagagawa mo?"

"You're just warming up, freak. I have a better punishment for you." aniya at tumalikod na.

"Pumunta ka sa fourth floor," aniya habang dinadampot ang bag niya sa upuan.

"Anong gagawin ko do'n?" tanong ko at dinampot narin ang bag ko.

Hinarap niya ko, "Tapos bumaba karin ulit. And so on and so forth..."

Kumunot ang noo ko, "Ano? Pabalik-balik?" gulat kong tanong.

Tumango siya at sumimsim sa bote ng tubig pagkatapos tumingin sakin, "Six times, then get me these things in the mall before you go home... alone... walang kasama." aniya at binigay sakin ang tubig na ininuman niya na.


"I repeat... alone. Or else, you won't get to the special training part." seryoso niyang sinabi at tuloyan ng umalis.

Sumimangot ako at umakmang ihahagis 'yung bote sa kaniya ng lumingon siya kaya diniretsyo ko sa bibig ko 'yung bote at tinungga dahil nakabukas naman ito. Tumalikod na siya ulit ng mapagtanto kong ininuman niya nga ito.

Aish! May bahid pa tuloy ako ng laway ng kapreng 'yun! Baka mamaya niyan mausog ako.

Wow, hiyang-hiya. May gwapo bang nang-uusog, Winry? At bakit ko nga ba siya pinupuri?

Napaka-antipatiko. Makasarili. Gago. Kapre. Jerk.

Tinignan ko ang building ng gym. Anong akala niya sakin? Susundin siya? Ha! Sinong tinakot niya?

Ngunit akmang lilihis ako ng landas ng makita kong si Sheun na naghihintay pala sakin sa di kalayuan.

"Where do you think you're going?" tanong niya sa malayo.

Napapadyak ako sa inis ng makita siya. Arghh! Kainis! Padabog akong lumapit sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Punishment changed. Babantayan kita hanggang sa matapos ka, at sasamahan mo ko sa mall." aniya at tinalikuran na ulit ako papunta sa gym.

Napalabi ako sa panggagalaiti. Hindi ko alam ang plano ng kapre'ng to, pero sa tingin ko plano niyang inisin ako ng todo.

Tinakbo ko ang hagdan hanggang fourth floor ng anim na beses. Sobrang hingal na hingal ako ng matapos.

"Depungas kang kapre ka. Pakiramdam ko laglag na matres ko..." ani ko na hingal na hingal.

"Magagamit mo ba 'yang matres mo? I doubt that." sagot niya at tinaasan niya pa ko ng kilay.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now