MJSA 22 - #Halik

3.7K 139 85
                                    

Yes, may update, diba? Dahil 'yan sa maraming nag-comment at nabitin. So, for faster update, comment na kayo para ganahan ako. Hahaha! Love you, guys!

**

Chapter 22

Tulala akong naglalakad ni walang dalang kung ano dahil basta nalamang akong kinaladkad palabas.

Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin dito sa labas kaya niyakap ko ang sarili ko. Para nakong nahihilo dahil alam kong may sakit pa ako.

Patuloy parin ang pagtulo ng luha ko kahit pilit ko mang pigilan. Hindi ko akalaing basta-basta nalamang nawala ang tiwala ni Sheun sakin. Buong akala ko ay tuloyan na siyang nagtiwala sakin.

San na'ko ngayon? Kung lalakarin ko papuntang Malabon, tiyak na uumagahin ako. Ayos lang sana kung malakas ako pero nanghihina ang buong katawan ko at masakit ang ulo ko.

Naghanap ako ng pwede kong matulugan ngayong gabi. Pumasok ako sa 7/11 at umupo pansamantala. Dito muna siguro ako hanggang umaga. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hindi mapigilang luha.

Sariwang-sariwa parin ang galit na boses ni Sheun sa isip ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko na parang sirang plaka. Sobrang sakit palang pagbintangan ng kasalanang hindi mo naman ginawa.

Alam kong palagi akong guilty kapag nagnanakaw ako, pero hindi ko akalaing masakit pala. Siguro ito ang kapalit ng lahat ng kasalanan ko noon at ngayon bumabalik sakin.

Hindi ko alam kung bakit ginawa 'yun ni Nancy. Wala akong natatandaang may nagawa akong mali sa kaniya. Wala akong natatandaang sinaktan ko siya. Wala... pero bakit kailangan ito ang ibalik niya sakin?

Humagulhol ako ng iyak hanggang sa makatulog ako sa lamesa. Nagising ako sa isang yugyog mula sa isang sekyu.

"Hoy, lumabas ka dito. Hindi ito hotel. Hala! Labas!" asik niya.

Kumirot ang puso ko. Naalala ko ulit ang pagpapalayas sakin ni Sheun.

Tumango ako at lumabas sa 7/11. Tumingala ako sa langit at madilim parin. Konte nalang masyado ang sasakyan sa daan dahil sa tingin ko madaling araw narin.

Napayakap ulit ako sa sarili at naramdaman muli ang sakit at kirot ng pag-iisa.

Tatay... Miss ko na kayo ni Nanay. Kung sana hindi kayo nawala hindi ako magiging mag-isa. Ano ng gagawin ko ngayon?

Naghanap ako ng pwede kong paglipasan ulit bago mag-umpisang maglakad pauwi. Habang naglalakad ako may nadaanan akong nagkukumpulang bata at sa gitna nila ang isang magandang babae na gusgusin.

Lumapit ako at nag-aagawan sila ng pagkain at karton.

"Sinabing akin to, eh!" asik ng babae at tinulak ang bata.

Nanlaki ang mata ko. Niresbakan siya ng mga lalakeng bata kaya napahiyaw siya sa sakit.

"Tangina mong babae ka!" asik nung bata.

"Hoy! Hoy! Ano 'yan!?" sulpot ko sa gitna nila.

"Wag kang sasali dito halimaw baka gusto mong maging pantay 'yang mukha mo!" mayabang na asik nung isang lalake.

Biglang nag-init ang ulo ko. Ang babata pero ang tatabil ng bibig! Sila Lusipeng at Butsing ay mga pulubi at walang magulang pero hindi ganito ka tabil ang dila nila!

"Ah, ganon? Ba't di mo subukan, ano?" hamon ko.

Sinugod nila akong lahat at lahat sila ay pinatumba ko kahit na mabigat ang katawan ko, pero 'yun nga ang sekreto ko, kapag wala ako sa mood makipag-away at badtrip ako mas lumalakas ako.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now