The Beginning

12.4K 208 31
                                    

The Beginning


"Dadaan tayong QC, Miss?"

Tumango ako kay Kuya habang nakatingin sa labas. Malakas ang buhos ng ulan at traffic. Pinanood ko kung paano bumuhos ito ng malakas sa labas.

Mayroon ding mga taong tumatakbo dahil sa ulan, mayroon namang basang-basa dahil nakasakay lang sila sa motorsiklo.

Minsan talaga, kahit ayaw mong mabasa, hahayaan mo nalang dahil wala ka ng magagawa.

"Paano kung sa Valenzuela nalang, para malapit sa Malabon?" tanong ni Maya habang nakatingin sa kaniyang tablet.

"Gusto ko lang dumaan..." sagot ko.

"Specifically where, huh?"

Bumuntong hininga ako, "Diyan malapit sa Thaguro University..."

"Tss, you're hopeless, Winry. Niloko mo, now you're like a creepy stalker."

"Graduation niya ngayon. Gusto ko lang makita..."

Binaba ni Maya ang kaniyang tablet at tinignan ako. "Look, Winry. Kung namimiss mo siya, magpakita kana sa kani-"

"At anong mukha ang ipapakita ko sa kaniya? Sa pamilya niya?" may diing tanong ko.

She sighed. "If he loves you, mapapatawad ka niya."

Bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana at sa rumaragasang ulan sa labas. "Yun nga ang problema. Walang gano'n dahil may mahal siyang iba."

"Hay, pag-ibig kung tinamaan ka nga naman..."

"I'm not in love with him, I just care for him." depensa ko, pero sino ang niloko ko?

"Oh, come on, Winry. If you only care for him, you could have just stalked him on Facebook or Instragram para makibalita sa graduation niya. Hindi 'yung dadayuhin mo pa dito sa Maynila," panunukso niya.

Napailing-iling nalang ako. Sinipat ko ang wristwatch ko at bumuntong hininga. Sa tingin ko nga'y wala nakong aabuting graduation dahil mukhang tapos na.

Nang makarating kami sa Thaguro University, nadaanan namin ang mga kainan sa harap ng school. Maraming ng mga taong nagtatakbuhan dahil sa ulan at maraming sasakyan ang nagsisilabasan sa malaking gate ng eskwelahan.

Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ang nakaraan at kung paano ako napadpad sa ganitong sitwasyon.

"Winry! Siya 'yun diba?" tawag ni Maya sabay turo sa labas ng bintana ko kung saan doon nakahilera ang mga restaurant.

Nakita ko kaagad ang tinukoy niya sa loob ng babasaging pader ng isang restaurant. Kung saan may dalawang nakaupo at magkaharap sa isa't-isa.

Tulad noon, ay bagay na bagay pa rin silang tignan. Isang babaeng napakaganda at isang lalakeng napakakisig, tila nagbibida sa isang telenovela.

Kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi nila habang nag-uusap. Mukha silang in-love sa isa't-isa na para bang sa wakas ay naging masaya na ang dalawang bida dahil wala na ang kontrabida.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now