MJSA 23 - #Jerk

3.8K 139 45
                                    

Chapter 23

Sinalubong ako ni Auntie ng makapasok ako. Mabilis niya kong niyakap.

"Oh, God. Winry, I'm very sorry. I don't want to blame you..." umiiyak na sabi ni Auntie.

Nakita ko si Miss Shian at si Uncle sa likod at nakamasid sa amin, pareho kong nakita ang pagsusumamo sa mukha nila.

"Sheun was very impulsive! He never should have done that. I'm sorry for doubting you, hija..."

Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. "A-Ayos na po, Auntie..."

Umiling-iling si Auntie, "But, you don't deserve to be treated that way... " malambing nitong sagot.

"Pero, totoo pong ninakawan ko si Sheun noon... Yun po ang... ginagawa ko bago niyo po ako kupkupin. "

Umawang ang labi ni Auntie pati narin sila Uncle at Miss Shian. Nakita ko ang mata ni Auntie na napatingin sa likod ko kaya napagtanto kong nakapasok na si Sheun.

"Hindi po ako mapagkakatiwalaan. Hindi po ako karapatdapat dito sa bahay ninyo. Auntie... Uncle... Magpapaalam na po ak--"

"No, you can't, hija. We trust you amidst of being a thief in your past." ani Auntie.

"We already know it's Nancy, hija. I saw it in our private CCTV, ako lang ang nakaka-access." sabi ni Uncle.

"I still can't believe Nancy could do it. I mean... Matagal narin siya sa'tin." komento ni Miss Shian.

Napakagat labi ako, "Kung hahayaan niyo po akong umalis, hindi niyo na kail--"

"I can't let you, hija. I promised your father to take care of you. At napalapit kana samin... We just can't let that happen... " pagsusumamo ni Auntie.

Parang hinaplos ang puso ko. Napalapit narin ako sa pamilya nila ngunit hindi ako sigurado kung kaya ko pang manatili at makasama si Sheun.

"Pag-iisip ko po, Auntie..." bulong ko.

Tumango-tango si Auntie at masuyong inalis ang luha sa mga mata ko.

"Please don't think that we will see you as a bad person now, okay? Because we know... I know... Na mabuti kang tao. Hmm?" malambing na sabi ni Auntie at pinisil ang pisnge ko at niyakap.

Pakiramdam ko naramdaman ko ulit ang yakap ng isang ina. Tumulo ang luha ko. Kaya ko pa kayang iwan sila?

"Well, hija, Sheun's also very sorry. Hinanap ka niya buong araw. Is that enough punishment?" tanong ni Auntie kaya nilingon ko si Sheun.

Wala na si Daphne. Nakapamulsa siya habang seryoso siyang nakatingin sakin.

"She already punished me, Mom. Don't worry..." malamig nitong sinabi at tuloyan nang umakyat sa hagdan.

Napatungo ako at napalunok. Mukhang alam ko ang ibig sabihin niya ro'n.

Nakita kong pagewang-gewang si Sheun paakyat at muntik na ngang matapilok.

"Is he drunk?" tanong ni Miss Shian.

"Guess he got really guilty." komento ni Uncle.

Napabuntong hininga ako. Hinatid ako ni Miss Shian sa kwarto ko.

"Riri, please don't go. Ayokong ako nalang mag-isa ang mang-iinis kay Sheun." nakangusong aniya.

Napakagat labi ako. "Good night, Miss Shian..." yun lang ang naisagot ko.

Naligo agad ako pagkapasok ko sa kwarto. Pinakiramdaman ko ang malamig na tubig mula sa shower na lumalagasgas sa ulo ko at napahawak sa pader.

Muli kong naalala ang mga halik ni Sheun. Hanggang ngayon sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya 'yun.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now