MJSA 33 - #Lips

3.7K 141 21
                                    

Please leave a comment guys! Thank you!

**

Chapter 33

It was a mind-blowing conversation and he left me there hanging without putting me back on handcuffs. As if makakatakas ako ngayong nasa ere na nga kami? I'm not that stupid. Umupo ako ulit at pinakain ng another meal ng stewardess.

She even stared at me weirdly. Siguro iniisip niya na kung bakit nakawala na ako gayong kanina ay para akong bihag na kawawa. She alerted the security that Sheun took with us at doon lang ulit ako pinosasan, pagkatapos kung kumain ng pagkain.

The whole trip made me sick. Hindi parin mawala sa isip ko ang huling sinabi niya na para bang may alam siya. Does he know something? May alam kaya siya sa mangyayari? Does he know my fears?

I bet not. Dahil kung alam niya lahat hindi niya ko tinatratong ganito. Sana naintindihan niya ko, hindi ba?

Nang makalapag anh eroplano, kinabahan nako. We're in the Philippines!

Ang lugar kung saan tinakasan ko. Ang lugar kung saan gusto ko ng kalimutan.

When Sheun graduated, I reasoned out that I want to visit my Tatay's grave but the truth is, I just want to witness his success and he doesn't know that, dahil hindi naman ako nakaabot.

That was the last time I came to the Philippines. And I was scared to go back dahil ayoko ng may madamay pa sa problema ng pamilya ko.

Maya has been shot years ago when she agreed na samahan ako sa Pilipinas. Even when we quietly came to the Philippines, nagawa parin kaming mahabol ng mga gustong pumatay sakin.

She's fine now though. But the fact that someone got hurt because of my mere existence, mahirap yun para sakin. Mahirap isiping may napapahamak ng dahil sakin.

Now, do I have to risk another person safety because of me?

Sheun's living a quiet and peaceful life at kung hawak niya ako ay baka magulat siya at mabulabog dahil sa bitbit kong gulo.

I was quite confident that Claus would do something to get me but when I realized that he saw me help Sheun, hindi rin ako sigurado. Baka iniisip niya na gusto ko rin namang makuha nito dahil mahal ko pa.

Lumabas kami sa private plane. The airport was deserted. Hindi ko alam kung saan lumapag ang eroplano but I think it's far from the public.

Sumakay kaagad kami sa itim na SUV. Sheun went inside the front seat while I'm in between the two men at the back of the car with guns. Hindi ko alam kung bakit armadong-armado ang tauhan ni Sheun na para bang isang malupit na criminal ang nahuli nila.

The whole travel was quiet. All of us were just silent and no one even dares to talk. Ang isang armadong lalake ay malapit ng humilig sakin dahil inaantok ito.

Napangiwi ako dahil nagdidikit na ang ulo niya saking balikat. Hindi ko naman ito mailayo sakin dahil sa kamay kong nakahand-cuffs. Hanggang sa tuloyan na ngang pumatong ang kaniyang ulo saking balikat.

"What the hell!?" biglang bulyaw ni Sheun at nakitang nakalingon samin.

Bigla namang napaupo ng maayos ang lalakeng nakasandal ang ulo sakin na parang bagong gising.

"What the hell are you doing?" asik ulit ni Sheun tila galit na galit.

Sumikdo ang puso ko. Galit ba siya sa ginawa ng lalake sakin?

"P-Pasensya na, Sir. Hindi ko sinasadyang ipatong kay Mi—"

Tumalikod siya, "I don't care wherever you lay your head, just don't fucking sleep. You don't know what that woman can do." Malamig nitong sinabi.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now