MJSA 48 - #Answer

3.5K 118 10
                                    

Chapter 48

Nang makarating kami sa ospital dinumog kami ng mga reporters sa entrance palang. Kung kanina ay nakaligtas kami sa mga nakaantabay sa labas ng building, dito kailangan namin silang daanan.

Sheun's men and the guards help us went through the entrance by blocking the reporters.

They're all curious about my relationship with the Aldeguer. Ang tanong nilang lahat ay anong mangyayari sa kasal na naganap.

Ngunit parehong tikom ang bibig namin ni Sheun, walang ni isang reporter ang nakatanggap ng sagot.

"Bibisitahin ko si Daymos," bulalas ko habang naglalakad kami sa lobby.

Nakita ko ang pagsulyap niya sakin. Alam kong nagtatanong ang isip niya but he chose to be quiet.

He lead the way hanggang sa ICU. Hanggang ngayon ay naroon parin siya habang nakakonekta ang iba't-ibang uri ng makina sa katawan niya.

Naabutan naming may dalawang pulis ang nakabantay sa labas habang may dalawa ring sa tingin ko'y tauhan ni Sheun.

"How is he?" tanong ko sa katabi.

Through the glass window of the ICU, nakita ko si Daymos na nakahiga at marami ngang makina ang nakakonekta sa katawan niya upang panatilihin siyang buhay.

"He's not in good condition,"

Naikuyom ko ang kamay ko at umiling. "Hindi siya pwedeng mamatay. Kailangan niyang pagdusahan ang kahayupan niya!" giit ko.

"I knew him for years and believe me he did suffered."

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko.

"Are you siding on him?"

Mataman niya kong tinignan, "He loves your mother truly. He suffered when he thought he killed her. Yun lamang ang alam kong kaparusahan niya."

Umiling-iling ako. "Hindi 'yun sapat." I said with gritted teeth.

Bumuntong hininga siya, "Alam kong malupit siya dahil sa pakikitungo niya kay Daphne ng malaman niya ang totoo. Kahit nalaman niyang nagpapanggap si Daphne na ikaw, ginamit niya parin ito para makuha lahat ng yaman ninyo hanggang sa gusto niyang ipakasal ito sakin."

Hindi ako nakasagot dahil hindi ako makahagilap ng maisasagot ko sa kaniya.

"Nakipagmabutihan ako kay Daymos para pagkatiwalaan niya ko. That is to plan a scheme on him ng malaman ko ang lahat tungkol sayo. Na ikaw si Dianese Gokongwei."

Nagtama ang mata namin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Ayoko ng ganito dahil iba na ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko naulit muli ang panahong pinipigilan ko ang totoo kong nararamdaman. Ngunit para saan pa ba ang lahat ng ito?

Mas lalo lang gugulo. Mas lalo ko lang hindi makukuha ang tahimik na buhay kung magpapakatanga ulit ako.

"Nang malaman ko na hindi si Dianese si Daphne, I wasn't that surprised to be honest. Dahil matagal ko ng pinagdududahan ang totoo mong pagkatao."

Nilingon ko siya, "Pinagdududahan mo ko?" I smirked.

"Kailan mo ba ko hindi pinagdudahan?" dugtong ko habang hinihintay ang reaksyon niya.

I thought I was brave enough to look him in the eyes pero nagkamali ako. Dahil nang magtama ulit ang mata namin ay para kong naalala ulit ang dahilan kung bakit sa dinami rami ng taong mas nakasakit sakin, siya ang mas nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ko.

Dahil minahal ko siya ng lubos.

"Duda wasn't the right word for that. I always see you as a different person each and everyday. You always make me confused of what should I have to do and what should I supposed to do. You were like a difficult puzzle na hindi ko maintindihan at hanggang ngayon hindi ko parin mabuo-buo." seryoso niyang sagot.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now