MJSA 1 - #Freak

6.5K 178 16
                                    

Thank you for reading until Master Jerk :) Sa mga hindi po updated, I already post Kalem's special chapter sa BCWL, I wrote the special chapter dahil marami siyang thoughts and if you're curious about Master Devil—doon niyo malalaman. Enjoy reading!

**

Chapter 1

"Anong pumasok sa kokote niyo at pumunta kayong Quezon City para magtrabaho!? Paano kung hindi kayo nakauwi, hah!?" galit na galit na sermon ni Uncle Nido.

Si Uncle Nido ang lider ng Alaska—pangalan ng grupo namin. Nakapikit kami nila Lusipeng at Butsing dahil ang laway ni Uncle ay salong-salo na namin.

Pinunasan ko ang mukha ko bago ko imulat ang aking mga mata. "Eh, Uncle, nakauwi naman kam—"

Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko ng magsalita na naman siya at napapikit na naman ako. Anak ng kagang! Alam kong bantot ako pero ayokong maghilamos sa laway ni Uncle!

"Paano kung dakpin kayo ng mga Bonakitid sa tabi-tabi, hah!? At ibenta 'yang mga bulok niyong lamang-loob!? Mga pasaway kayo! Lalo kana Winry!" aniya at kinurot ang tenga ko.

Ang mga Bonakitid ay mga sindikato na dumudukot ng mga bata o mga dalaga para ibenta. Asa pang dukutin ako ng mga 'yun. Takot ang mga 'yun sakin!

Napangiwi ako at napadaing sa sakit. "A-Aray, aray, Uncle! Hindi na mauulit! Hindi na mauulit!" sabi ko sabay hawak sa kamay niya para alisin.

Binitiwan ni Uncle ang tenga ko at sinamaan ng tingin. Napanguso ako at hinimas ang tenga habang dinukot ang 900 na natira sa isang libo dahil pinamasahe namin pauwi ang isang daan.

Ipinakita ko ito sa kaniya. "Ito po ang kinita namin, o! Nabawasan ng isang daan kasi namasahe kami."

Napailing siya. "Ipinagmamalake mo na'yan, hah? Novo! Ilan ang kinita mo?" tanong ni Uncle sa anak niya.

"4k, Pang..." sagot ni Novo at lumapit kay Uncle at binigay ang kinita.

Ngumuso ako. Sa'n ba rumaraket 'tong si Novo? Kainis!

Ngumiti si Uncle, "Magaling! Ikaw, Ernie?" tanong ni Uncle sa iba pa naming kasamahan.

Si Uncle Nido ang kumupkop sa mga walang-wala at kahit na masama ang pinagagawa niya, mabuti siyang tao. Matalik silang magkaibigan ni Tatay at siya ang dahilan kung bakit namuhay kami sa Maynila.

Kumukuha siya ng pera sa mga miyembro para rin ipang-gastos sa kanila. Gaya na lamang nitong lumang warehouse na bibilhin ni Uncle Nido para tuloyan ng bahayan ng mga walang-wala. Nag-iipon na lang siya gamit ang mga nakuhang pera.

Lumapit si Novo sa'kin at napatingin ako sa kaniya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at naramdaman 'kong may nilagay siyang pera ro'n.

Nang silipin ko ay may isang libo siyang nilagay. Nanlaki ang mata ko at takang-takang tumingin sa kaniya.

"A-Ano 'to?"

Tinaas baba niya ang kilay niya. "Tanggapin mo na. Gamot pa 'yan ni Uncle."

Umiling ako at binalik sa kamay niya. "Iyo 'yan, Novo. Hindi ko 'yan tatanggapin," sagot ko at itinago ang kamay ko sa likod ko.

"Tsk. Tanggapin mo na, Winry. At pagkatapos nito, dadalhin kita sa bagong raket ko," bulong niya at muling tinaas baba ang kilay.

Lumiwanag ang mata ko. "Talaga?"

Tumango-tango siya. "Pero, secret lang." bulong niya at iminuwestra ang kaniyang hintuturo sa labi niya.

"Anong secret!?" sabay na tanong ni Lusipeng at Butsing na biglang sumulpot sa gitna namin ni Novo.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon