MJSA 26 - #Cold

4K 133 13
                                    

Sorry for my late update, I really have to finished the special chapter sa MCCO and it's already posted, I hope sa mga MCCO readers magkaroon ng time to read it!

**

Chapter 26

Hindi ko na pinagbigyan si Sheun sa gusto niyang mangyari. Anong akala niya sakin? Pwede niyang halik-halikan nang wala kaming relasyon?

Hindi niya pa ko girlfriend pero kung makaasta. Nakakainis.

Ilang araw narin siyang sweet ng patago, lalo na kapag nagtatagpo kami sa secret movie room namin, madalas rin kaming lumabas ng patago hanggang sa magbukas ulit ang klase.

At para naman akong si tanga na nagpapadala sa mga ginagawa niya kaya ito ako ngayon nagmumukmok sa kwarto at hindi pinapansin ang mga tawag ni Sheun sakin dahil nakakainis siya.

Kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa laptop ko na bigay ni Auntie sakin para sa mga projects ko or assignment. Hinihintay ko ang balita mula kay Claus dahil simula nung makabalik ako ay hindi pa kami nagkikita.

Gusto ko sanang puntahan si Gina Rodriguez pero wala naman akong pagkakataon lalo na't laging nakaaligid si Sheun sakin. Hindi ko alam kung maiinis ba ko o hindi.

Napagtanto kong ganito pala ang isang Sheun Aldeguer. Bagay na nakita kong ginagawa niya kay Daphne nung sila pa.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit wala akong kagana-gana ngayong araw na'to. Bumulagta ako sa kama at bumuntong hininga.

Ano nga ba kami? Bakit pakiramdam ko mang-aagaw ako? Bakit pakiramdam ko may mali?

Nagulat ako ng halos magiba ang pinto sa sunod-sunod na malalakas na katok mula sa labas ng pintuan ko.

"Get out of there, freak!" sigaw ni Sheun sa labas at mukhang galit.

Kumunot ang noo ko. Hinablot ko ang cellphone ko at nakitang may mensahe roon si Sheun.

Sheun:

Let's go out. If you're not out in five minutes, I'll bang your door.

Nanlaki ang mata ko. Anak ng! Seryoso ba siya?

Kumatok nanaman siya ng napakalakas. "Are you going out or do I have to kick this door?" asik ni Sheun.

Kumunot ang noo ko? Problema ba ng kapreng to? At bakit nanaman siya galit, hah?

Narinig ko ang saway ni Auntie kay Sheun dahil sa malakas na katok ni Sheun sakin. Bago paman magkagulo ay binuksan ko na.

"Ano ba?" bagot na bagot kong tanong.

Pinanliitan ako ng mata ni Sheun, "Get dress and you're going to assist me with something. Bilis!" utos niya habang nasa likod niya si Auntie.

"Sheun, wag mo namang utos-utusan si Winry! She's not your maid nor your assistant! Kung gusto mo ay maghahanap ako." Puna ni Auntie.

Umangat ang labi ko dahil mukhang hindi nanaman siya magtatagumpay. Lagi siyang ganito, kapag gusto niya kong ayain sa labas.

"Mom, assisting me isn't a big job. She can absolutely handle it." Aniya at sinenyasan akong sumang-ayon.

Napanguso ako. "Auntie, minsan pinagtulak niya ko ng sasakyan... Madalas niya rin akong alilain..." pagsusumbong ko kaya gulat siyang napatingin sakin.

Benelatan ko siya kaya pinanlakihan niya ko ng mata.

"Sheun, don't make me get worried again! I don't want you being impulsive! Baka mamaya mabalitaan ko nanamang wala nanaman si Winry dahil pinalayas mo siya!" histerya ni Auntie.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon