MJSA 28 - #Hometown

3.4K 123 26
                                    

Sorry guys for a really slow update because of college life. Bear with the freshies. 

**

Chapter 28

Pabalik-balik ang lakad ko habang pilit nag-iisip ng solusyon sa lahat ng ito. Anong gagawin ko ngayon? Totoo bang hawak ni Uno si Novo o pinagloloko niya lang ako?

Imposibleng hawak niya si Novo dahil kaya niyang labanan si Uno, ngunit 'yun ay kung pagtutulongan siya ng napakaraming tao.

"Ate Gons, bakit kanina ka pa hindi mapakali?" tanong ni Butsing habang kanina pa nakamasid sakin.

"Si Uncle ba anong oras uuwi?" tanong ko.

"Nag-walwal nanaman siguro 'yun dahil break na sila ng jowa niya." Komento ni Lusipeng habang sumusubo ng chichirya.

Napakagat labi ako. Hindi ko naman pwede itong sabihin sa dalawa. Bakit ko sasabihin diba? Edi nataranta at baka niloloko lang ako ng hayop na'yun.

Alam ko ng masama ang timpla ng hayop na'yun sakin pero hindi ko iniisip na ganito siya katabang. Kapag siya nakita ko sasapakin ko siya.

Pinagmasdan ko ang pangalan ni Sheun sa cellphone ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya. Anong mapapala ko kung sasabihin ko sa kaniya, diba?

"Matulog na kayo. Hihintayin ko si Uncle..." sabi ko sa dalawa.

Tinaasan ako ng kilay ni Lusipeng, "May tinatago ka, nu? May jowa kana, nuh?" dire-diretsyo niyang tanong.

Inismiran ko siya, "Wala akong jowa!"

Bigla kong naalala si Sheun. Putya, hindi ko kailangang isipin ang lalakeng 'yun dahil kailangan kong makausap ng maayos si Uncle.

"Eh bakit kanina ka pa nakaabang sa cellphone mo?" makahulugang tanong niya.

Umiling-iling ako, "Hinihintay ko si Uncle, mag-uusap kami. Kaya, hala sige! Tulog!" asik ko.

Ngumiwi ito, "Oo na! Oo na!" aniya at hinila na si Butsing papasok ng kwarto nila.

Napabuntong hininga ako. Asan na ba talaga si Uncle? Tsyaka bakit niya hinayaang ang dalawang bata na maiwan sa bahay?

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinabahan ako bigla dahil baka tumatawag na ngayon ang may hawak kay Novo.

Nang makita ko ang pangalan ni Auntie ay kaagad kong sinagot.

"H-Hello, Auntie..." garagal kong tanong.

Narinig ko ang pagsinghot niya. "You have to go back to the hospital... Ayokong istorbohin ka but we need you here with Shian... with Sheun..." anito na umiyak lalo.

Bigla akong kinabahan. Agad akong tumungo sa kwarto ko. "S-Sige, Auntie... Pupunta kaagad ako..." mabilis kong sagot at pinatay agad ang phone.

Nagbihis kaagad ako at kinuha ang bag ko. Tinungo ko muna ang kwarto nila Lusipeng at Butsing para magpaalam.

"Tandaan niyo, wag kayong magpapasok ng ibang tao. Matulog na kayo dahil baka may susi naman si Uncle..." paalala ko sa dalawa.

Kahit natatakot akong iwanan ang dalawa lalo na't mayro'n pang masamang taong gusto silang kunin ay kinakailangan kong umalis para kay Miss Shian. Alam kong ano mang oras ay pwede siyang kunin samin.

Nang makarating ako sa hospital mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni Miss Shian. Naabutan ko sa labas si Daphne na nakaupo sa waiting area.

Nagkatinginan kaming dalawa. Biglang kumirot ang puso ko sa kaisipang nandito siya para damayan si Sheun.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now