MJSA 3 - #Tadhana

4.5K 144 18
                                    

Chapter 3

May ganoon bang klaseng demonyo? Claus Montañez daw. Napagara naman ng pangalan. Parang She-yun lang.

At talagang naalala mo pa ang bastos at aroganteng lalakeng 'yun, ano?

Panget na nga ako na bastos pa!

"Hey, you're not dead. Muntik lang." sagot nitong Santa Claus at muling pinitik ang ilong ko.

Para naman akong natauhan. Kaagad akong napatuwid ng upo. Sino siya at bakit ko siya kasama!? Anak ng kagang!

Wala ako sa langit o impyerno. Pero nasa Northpole ako? Kasi Claus daw pangalan niya? Pero hindi.

Nasa pesteng mundo pa rin ako kung saan nag-iisa nalang ako at kung saan salot ako.

Lumayo ako ng bahagya sa kaniya. "Sino ka!? Nasaan ako!?" singhal ko sabay duro sa kaniya.

Napailing siya na tila pinipilit itago ang pagkamangha sa mga labi niyang mariing nakakipot ngunit ang mata niya'y natutuwa.

"And you only realized that just now?"

Kumunot ang noo ko. Realized daw. Hmm... Tek—

"You fainted in front of my bumper. Where do you live? I'll take you there..." mabilis niyang sinabi habang nagsusuot ng seatbelt.

Nanliit ang mata ko at napaawang ang bibig. Hindi ako nakapagsalita. Teka 'yung bumper, ano nga ba 'yun? Bunganga ata 'yun ng kotsye.

Napakamot ako at tinitigan siyang mabuti. Ibig niya bang sabihin nakita niya ko sa bunganga ng kotsye niya? Tek—

"Hey, I said where do you live and I'll take you there. Or better yet, I should take you to the hospital to check you out."

At ito na naman po siya sa pag-e-english...

Ba't ba ang bilis nitong magsalita? Kano ba 'to? Paka-straight kung mag-ingles, dire-diretsyo, walang preno. Bakit hindi nalang ugaliin ng mga pinoy na magsalita ng tagalog?

Tsk. Marunong naman kasi akong mag-english. For example: Thank You. Welcome. Yes. No. And many more. It's just that, di ko lang siya forte.

Wow. Sa'n galing 'yung forte? Hays nagawa ko pa talaga mag-isip ng kung ano-anu, eh, may kasama akong stranger at 'yun nga! Dapat nagluluksa ako!

"Bababa na ko," yun nalang ang sinabi ko at sinubukang buksan ang pinto.

Hinanap ko kung saan ang bukasan ng pinto pero para akong nanibago. Di kawit lang ang bukasan ng pinto sa lumang owner ni Novo at di ako sanay sa mga ganitong kotsye.

"Saan ka ba nakatira, Miss?"

At sa wakas, nag-tagalog.

"Malabon pa. Panghulo."

Napakagat labi siya. "Layo pala, but I'll take you there, tutal muntik na kitang masagasaan."

Naalala ko si Tatay. Biglang kumirot ang puso ko.

Napailing-iling ako. "Ah, wag nalang, Claus Montañez. Baka maabala pa kita." mahinang sagot ko at hinarap muli ang hamba ng pinto.

"Paki-open," sabi ko sabay turo sa pinto ng kotsye niya. With english na'yun.

Umangat ang labi niya pero umiling siya. "Nah. I'll take you home. Maaga pa naman, saka wala naman akong gagawin."

Napakurap ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman siguro siya kasali sa grupo na Bonakitid ano? Hindi naman siguro siya sindikato para pagkainteresan ang bulok 'kong lamang-loob para ibenta dahil kitang-kita naman na yayamanin siya.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now