MJSA 47 - #Scorn

3.8K 119 9
                                    

Guys, diyan pa ba kayo? Please leave a comment or feedback para naman malaman ko kung ano ang reaksyon niyo sa chapter na'to. Thank you!

**

Chapter 47

The night was vague that I couldn't remember how the whole night ended when deep slumber took me away.

I woke up without Sheun beside me. Nakaramdam ako ng kirot na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko bumalik ang alaala kong iniwan niya pagkatapos kung maging masaya sa bisig niya.

Niyakap ko ang kumot na bumabalot sa akin. The only thing that's different is that I'm still in tact. Hindi ako nagalaw at hindi ako nagpagamit ulit.

Because this time I was strong. Sa ngayon, ang prinsipyo ko ay ang kampihan ang sarili in all cause.

Bawal ang marupok at bawal maging mahina habang nasa ganitong sitwasyon parin ako.

Minsan nakong naging mahina at anong idinulot nito sakin? Pain and guilt.

Bumaba ako sa unang palapag upang paghandaan ang sarili ng makakakain. I wonder if his maid who told me everything is still here.
Ano kayang magiging reaksyon niya kung makikita niya ulit ako dito?

Kumunot ang noo ko ng may maamoy na masarap galing sa kusina. Agad akong nagmadali hanggang sa maabutan ko si Sheun na nililipat na ang pancake sa pinggan.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nandito pa siya? Akala ko ba umalis nanaman siya at iniwan nanaman ako?

I was in the middle of contemplating when Sheun's eyes gazed at my direction.

"Morning," he greeted with a small smile on his lips.

Gusto kong umirap. Wala ako sa tamang hulog ngayon kaya sana naman wag muna siyang mag-umpisa.

"Do you have milk here?" tanong ko sa kaniya palapit sa kaniyang refrigerator na nasa loob ng cabinet.

"Uh...huh. Figured you'll need some." sagot niya habang nilalagyan ng whip cream ang ibabaw ng pancake.

Napalunok ako dahil mukhang masarap ang luto niya.

"How did you know I'll need some?" takang tanong ko.

Ngayon ko palang naman naisipang uminom dahil kulang ata ako ng tulog. Kung ikukulong niya ako sa bahay niya, might as well itulog ko nalang to kaysa naman makasama siya.

He looked at me with amusement etched on his lips.

"Just because..."

Umikot ang mata ko at kinuha nalamang ang gatas.

"I know every baby wants milk and I got my baby in my house. That's why." sagot niya na ikinatigil ko.

Napapikit ako ng mariin. Ito nanaman siya. He's being annoying again!

Marahas kong sinara ang fridge at hinarap siya, hawak na ang pitsel ng tubig at hindi gatas.

"Would you look at that, I changed my mind." ani ko at kumuha ng baso para magsalin ng tubig.

Hindi ko nako nagabala pang tignan ang reaksyon niya.

"Do you want some coffee?" alok niya.

"No thanks,"

Umupo ako sa stool chair dito sa island counter. Nilapag niya ang plato kung saan may lamang pancake kaya napatingin ako roon.

"I made this for you," aniya habang tinatansya abg reaksyon ko.

Napatitig lamang ako sa pancake na ginawa niya. What if he didn't left that day when I woke up? What if he told me everything in the morning?

Aabot kaya kami sa ganitong sitwasyon? Aabot kaya sa punto na sobra nakong nasaktan na ayoko ng magpatawad pa.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now