MJSA 30 - #Tadhana

3.4K 133 40
                                    

Hey, guys! Sorry for my late updates for a while, so as I've said medyo busy busy pa and kind of losing my inspiration to write nowadays 😅😭

Can you help me get it back? Please comment your reactions para naman malaman ko kung may impact ba yung sinulat ko. Hahaha!

**

Chapter 30

I was always strong when facing the cruel reality of life. I was always brave to fight for what it hurts me.

I was always brave of forgetting things that I love the most.

But, years had passed, ito parin ako. Hindi parin makalimot. Hindi parin makawala sa nakaraan.

Six years had passed. My surrounding changed. Everybody changed. Pero ako? Yes, I also have changed. Pero hindi lubusan.

Nagsikap ako sa pag-aaral abroad. Nagsikap akong masanay sa bagong buhay ko, ang buhay na matagal ko na sanang kinagigisnan noon.

But, what didn't change is that I'm still stuck with the same thought since it all started.

Those what if's that always tormenting me. It stabs me every night that it hurts and sadly, the pain will never go away.

Unfortunately, it will fade but it will come back in an instant.

Nakatulala ako sa labas ng malaking glass window ng opisina na para sakin bilang CEO ng maliit na kompanyang ipinundar ko dito sa China.

I created my own business while studying abroad. Pinag-aral ako ni Mommy at hinahanda sa pagbalik ko para bawiin ang akin.

But, I don't have plans of getting my name back, my money... my all. Heck, I don't even want to go back.

Dahil masakit. Dahil masakit makita ulit siyang masaya. Masakit makita siyang mahal na mahal parin hanggang ngayon ang babaeng pinili niya.

My business in China is rising with the help of my family's connection, although they couldn't reveal me yet, dahil hanggang ngayon hindi pa ko pumapayag.

Ginawa na ni Mommy ang lahat para pabalikin ako, pero iniisip ko, bakit ako babalik ng walang kalaban-laban? Pagkatao ko lang ba ang laban ko? Maybe that's why I wanted to stay here in China and build my own business.

Para may mapatunayan ako. Para may ipaglaban ako. Para mas lalo akong may karapatan dahil may alam ako.

Pinagmasdan ko ang pangalan ni Sheun sa monitor ko. When he graduated, he began to work for their company. Siya ang namahala sa negosyo nila at naging magaling na inhinyero. I always get updated with his life, kahit pigilan ko, hindi ko parin matiis.

Para tuloy akong tangang nagtatago ngayon sa ibang bansa para kalimutan ang sakit pansamantala, pero ito ako sinasaktan rin ang sarili, lalo na't sa bawat impormasyon na nalalaman ko ay nakakabit ang pangalan ni Daphne.

They haven't revealed to the public that she's Dianese Gokongwei who will get the inheritance of both companies of her parents. Daymos want both companies on his palm.

Yapenco is in China, pinamamahalaan ni Wai Zumu, my mother's mother. In short, my grandmother with the help of my grandfather and my Mom's sibling, The Yapenco family didn't want Daymos to manage the Gokongwei because of his dirty tricks and tactics.

Sakim siya sa pera. At malamang doon nagmana si Daphne sa magaling niyang tiyuhin. Habang tumatagal, wala nakong nararamdamang pagmamahal sa kapatid ko.

Habang mas lalong tumatagal lumalayo ang loob ko at mas kinamumuhian ko siya.

How could she do that? That's the question that bugs me each and every night. Bakit kami napunta sa point na kailangan kaming mag-away? Bakit kailangan naming maging ganito?

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now