"I just want you to know na mahal na mahal kita pero...pero...pero Marydale hindi ko talaga sinasadya!" sige pa rin ang iyak nito.

Niyakap lang ni Marydale ito hanggang sa kumalma ito.

"Sabihin mo na sa akin para alam kung paano magre-react Liza, ano ba kasi yun?"

"Ayaw ko sirain ang kasal mo Marydale, alam kong pangarap mo ito kaya lang kasi...kasi..kasi I'm pregnant!".

Napangiti si Marydale bigla siyang nakahinga.

"Yun lang pala e, ikaw naman hindi ako galit kung inunahan mo na ako!" .

"Si Quen ang ama!" seryosong sabi ni Liza habang nakatingin ng diretso sa kanya.

"Anong sinabi mo?" sa mga oras na iyon hinihiling niya na sana nagbibiro ito.

"Si Quen ang ama, I'm sorry Marydale!" umiyak ulit ito.

"Paano nanyari ito?" pakiramdam niya na manhid ang buong katawan niya kasama ng emosyon  at ng puso niya.

"Aksidente lang ang nanyari noong gabi pagkatapos ng walk natin sa amato. Bigla ka kasing hinatak ni Mamang papunta sa isang event niya. Dumating nun si Quen para sana sunduin ka. Kaya lang nakantyawan na siya nang barkada dahil palagi na lang siyang tumatanggi simula nung maging kayo. Sumama siya we get drunk and we got wasted , that night may nanyari sa amin!" umiiyak na sabi nito.

"Hindi ako naniniwala na nabuntis ka agad kung totoo man nanyari sa inyo!" sabi ni Marydale.

"Nasundan pa ulit iyon Marydale apat na beses  maybe because wala naman nangyayari sa inyo kaya nagustuhan din niya!".

"Pumayag ka? Kahit alam mong kami? "

"Mahal ko siya, mahal ko na siya bago pa kayo nagkakilala at mahal ko na siya bago pa siya nagkagusto sayo. Akala ko kasi chance ko na iyon e, akala ko nakita na niya ako hindi bilang kaibigan kundi isang babae rin na pwede rin niyang mahalin. Kaso nang sinabi ko sa kanya na nararamdaman ko umiiwas na  siya sa akin. Last week ko lang nalaman na buntis ako!" umiiyak na sabi nito.

"llan buwan na yan?" tanong ni Marydale.

" Isang buwan na Marydale!"

" Ito pala ang dahilan kung bakit halos hindi kayo nagkikibuan nitong mga huling araw!"

Tumango lang ito habang umiiyak.

" Alam na niya? " tanong ulit ni Marydale.

" Hindi Marydale, hindi ko kayang sabihin sa kanya. Natatakot ako sa magiging reaction niya!".

"Pero sa akin hindi ka natatakot sa sasabihin ko sayo?!".

"Marydale, I'm sorry pero ayaw ko naman pagsisihan ko ito sa huli. Gagawin ko ito para sa magiging anak namin ni Quen!".

Tumayo si Liza sa harapan niya saka lumuhod at hinawakan ang mgakamay ni Marydale.

"Nakikiusap ako sayo Marydale kahit para lang sa magiging anak namin ni Quen, huwag mong hayaan lumaki siya na wala siyang kinikilalang ama at posibilidad na isang buong pamilya!" umiiyak ito habang nakikiusap sa kanya.

"Ang daya mo Liza, alam mong pangarap ko yan. Higit sa lahat ikaw nakakaalam kung anong mga bagay na wala ako at mga pangarap ko. Huwag mong sabihin sa akin na aksidente ang lahat kasi ginusto mo yung nanyari sa inyo. Katunayan na ilang beses  pang na ulit. I'm sorry din hindi ko mapapagbigyan ang gusto mo. Tumayo ka nga diyan huwag mong gamitin ang baby mo para lang makuha mo si Quen. Maawa ka naman sa kanya wala pa man din siya mundo tinatanggalan mo na agad siya ng dignidad!" walang emosyon sabi ni Marydale.

MayWard Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon