That Night (Part 5)

944 85 65

Part 5

"Wow naman parang ganda mo ngayon. Iba talaga ang kapag nadidiligan noh nagiging  natural ang ganda at glow nang skin!"  salubong sa kanya ni Patricia.

"O pasalubong mo!" sabay abot nang isang plastik sa kaibigan.

Dumiretso siya sa table niya at doon inayos ang mga gamit niya.

"Kamusta ang fitting ng gown ni Annika?" tanong ni Maymay habang nakatingin sa inaayos na laptop.

"Okay naman kunting adjustment lang. Pati yung sa mga abay okay na rin nagkaproblema lang ako sa isang abay nila medyo maarte e. Sabi ni Ms. Annika siya na raw ang bahala kumausapan!".

"Nag-usap kayo buti hindi mo naisip sabunutan!" pang-aasar ni Maymay sa kaibigan.

"Uy professional ako noh, hindi kagaya mo hinahaluan ang pleasure ang trabaho!".

Nginisian lang ni Maymay si  Patricia.

"Sabihin mo nga gaano kagaling si Mr. Barber sa kama at hindi mo kayang itaboy ito!" nakangiting sabi ni Patricia.

"Anong pinagsasabi mo diyan Patricia?" nagtataka si Maymay sa sinabi ng kaibigan.

"Uy dai kilala kita, alam kong paano ka umiwas kapag may umaaligid sayo.  Paano mo pasimpleng itininatataboy ang gustong pumorma sayo. Pero si Mr. Barber sobrang fast na nakalapit agad sayo!".

"Alam mo hindi kita maiintindihan?" tanong ni Maymay.

"Paano mo maiintindihan kung ikaw mismo ayaw intindihan ang nararamdaman mo!".

"Diretsuhin mo na kasi Patricia at sumasakit ang ulo sayo!".

Tiningnan ni Patricia ang kaibigan at saka huminga ng malalim.

"Gusto mo ba siya? "

"Attracted ako sa kanya!".

"Mahal mo ba?"

"Boyfriend material siya!".

"Mahal mo ba?"  ulit uli ni Patricia.

Magsasalita sana si Maymay pero wala na siyang  mahanap na salita para sa sagot sa tanong kaibigan.

"Oo o hindi lang sagot May!" sabi ni Patricia.

"Malalaman ko ba agad iyon? For one week in love na agad? Sa isang tao hindi ko naman lubos na kilala.  Ewan ko kahit ako naguguluhan. Tinatanong ko ang sarili ko bakit sa dami nang lalaki nakilala ko bakit kay Edward pa? Hindi ko nabigay ang sarili ko kahit sa isa sa mga ex ko. Kahit nga kay Luis na pinakamatagal naging boyfriend hindi pumasok sa isip ibigay yun. Pagdating kay Edward nakikita ko palang siya parang ako pa ata ang hindi makapagpigil!" naiinis na sabi ni Maymay.

Ngumiti si Patricia saka lumapit sa kaibigan.

" Mukang may tinamaan na si kupido. And finally hindi ka pala hopeless case, manhid at manhater! " sabi ni Patricia.

"Pat narinig mo  ba yung sinabi  ko hindi alam kung in love ako sa kanya!".

"Sa ngayon hindi ka pa aware sa nararamdaman mo pero soon!".

"Parehas kayo nang sinabi ni Edward!" naalala niya ang sinabi nito.

"Soon maiintindihan mo rin!" dahilan para mapangiti siya.

"Tingnan mo nga iniisip mo lang pala siyang ngumingiti ka na. Kaya sobrang boto ako kay Mr. Barber at mag-mo move-on na ako sa inis ko kina Luis at Annika!".

"Ewan ko sayo Patricia bakit kasi ang laki
T. H. mo kila Luisito. Samamantalang wala naman ginagawa masama sayo yung tao!".

"Basta nasaktan ka ako ang unang magagalit para sayo!" sagot nito. "Siya nga pala hindi mo nabanggit na kasama ka pala sa entourage!" sabi ni Patricia.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!