Sweet Serendipity Part 6 Finale

1K 61 25

KINABUKASAN....

"Wow ganda wala ka atang ligaw ngayon!?" bati sa kanya ni Patricia.

"Oo nga natauhan na ba o naubos na kabibili ng bulaklak sayo?" hirit ni Mye.

"Tumigil na siya!" seryosong sagot niya.

Napatingin ang dalawa sa kanya.

"Oh bakit binasted mo na?" tanong ni Mye.

"Sayang naman MM, bihira lang ang ganun kapursigidong lalaki!" naghihinayang na sabi ni Patricia.

"Teka teka lang bakit parang ang seryoso mo naman? Huwag mong sabihin nagsisisi ka sa pagsupalpal mo doon kolokoy na yun?" nandidilat na sabi Mye.

"Hindi ako nagsisisi noh, ang hindi ko lang maintindihan e papano nalaman ng pinsan mo ang tungkol sa pangungulit ni Michael. May hindi ka ba nasasabi akin?" tanong ni MM kay Mye.

"Oh paano naman nadamay ang pinsan kong denidedma mo?".

"Mangmaangan ka pa diyan e kahapon lang nagpanggap pa siyang boyfriend ko para lang lubayan na ako ni Michael!".

"How come? E nasa ibang bansa yun!".

"Ibang bansa e nandito siya at doon sa kapit-unit ko naglulungga!".

"Nandito si Edward sa Pinas!?".

"Kunwari ka pa diyan hindi mo alam!" sabi ni MM.

"Hindi ko nga alam, wait lang tatawagan ko lang si Ate Myra!" tumalikod ito sa kanila.

Maya-maya kunti bumalik ito sakay MM.

"Maski si Ate hindi niya alam nandito si Ed. Saan kamo siya nakatira at masugod mamayang uwian!" halata na iinis ito sa pinsan.

"Ladies mamaya na kwentuhan pumasok na kayo sa conference room at mag-uumpisa na ang meeting!" sabi ng managee nila.

"Yes po ma'am!" sabay-sabay na sabi nila.

Halos uwian na nang matapos ang meeting nila kaya dali-dali rin sila nag-ayos para makapag-out nang tamang oras.

"Tara na MM!" aya ni Mye.

Hindi pa man nakakasagot si MM kay Mye nang marinig nilang nag ring ang phone niya.

"Hello!?" nagtataka siya dahil hindi naka register ang number nito.

"Hi MM!" sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Ed!?" sagot ni MM.

Napangiti naman si Mye sa kaniya.

"Hi MM nandito kami ni Marco sa baba ng building nyo. I believed kasama mo si Mye!" sabi nito.

"Oh pinsan mong hilaw!" inabot ni MM yung cellphone.

Hindi pa rin niya kasi kayang kontrolin ang kakaibang pintig ng puso niya tuwing  nababangit, naririnig o nakikita niya si Ed.

"Oh cellphone mo, maghihintay daw sila sa cofffeeshop tapat ng building!" sabi ni Mye.

Tahimik lang si MM hanggang sa makalabas sila sa trabaho. Hanggang makarating tapat ng cofffeeshop.

"Uy Ed!" sigaw ni Mye.

Halos kaladkarin ni Mye si MM para makapunta sa pwesto ng pinsan nito.

"Ikaw naman uuwi ka pala dito hindi ka man lang nagsabi. Si MM talaga ang unang pinuntahan mo!" sabi ni Mye.

"Ano ka ba nagkataon lang na kaibigan din ata ni Marco si Ed!" sabi ni MM.

"Oo sobrang coincidence nga MM, akalain mo sa daming pwede kong maging ka-close sa Italy si lover boy mo pa!" banat ni Marco.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!