Utak O Puso (part One)

2.6K 100 13

Inspired by the movie trailer of Love in Tandem

Paalala:
Ito ay sadyang kathang isip ko lamang, kung may babasa kayong kahintulad sa iba. Nais ko pong sabihin hindi ko yun sinasadya...

Thank you!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Panginoon kayo na po ang bahala sa akin...." at nag-antanda muna siya bago tuluyang umalis kinaluluhudan.

Siya si Sunshine Sarmento o mas kilalang Shine , labing siyam na taon gulang. Laking taga Baklaran. Masipag at mapagmahal na anak at kapatid. Kilala siya sa lugar nila bilang si Shine rakitera, kasi halos lahat ng pwedeng pagkakitaan ay ginagawa niya. Maayos naman ang lahat kahit lumaki silang walang ama at nanay lang nila ang nag-aruga sa kanila nagsilakihan naman silang responsable. Ang kuya niya matatapos na kolehiyo at kagaya rumaraket din para may pantostos sa pag-aaral. Siya ganun din pero di kagaya ng kuya niya na full time sa studies niya siya kunti lang kinuha niyang units para malaki ang time niyang makaraket pandagdag din kasi sa gastusin after all kunting tiis na lang at ga-graduate na ang kuya niya. Pero sadyang ibang klaseng magbiro ang tadhana isang iglap nawala ang lahat ng dahilan niya para mabuhay at maging masaya.

Bago tuluyang lumabas ng simbahan tumungo muna siya tulusan ng kandila. Deretso lang tingin ni Shine sa tulusan ng kandila at hindi niya napansin na may makakabangga siya.

Blaaaaggg!!!

"Awtttsss!"

"Aray!"!

------------------

"Luke, Catherine this is the famous church of Baclaran!" nakangiting pagpapakilala ng ina rito.

"Wow Mommy this huge at really maganda!" amazed na amazed si Catherine sa nakikita.

Nakangiti lang si Luke habang pinagmamasdan niya ang pamilya niya. Habang nakaakbay ang daddy sa mommy niya at nakakabata naman niyang kapatid deretsong pumasok sa loob ng simbahan.

Siya si Luke Babain half British and half Filipino. Kahit muka sila foreigner ng kapatid niya lumaki naman sila na ugaling pinoy. Ang mama nila ang Filipina kaya ito ang humasa sa kanila magtagalog at matuto ng Filipino traits and values. Nakaugalian nilang umuwi ng Pilipinas every once a year bumibisita sila sa mga kamag-anak at lumilibot sa bansa.

Tumakbo bigla ang kapatid niya patungo sa kanya.

"Luke faster naman, remember mom always told you na baka nasa loob na ng simbahan matatapuan ang true love mo. Paano mo siya maabutan kong ang bagal bagal mo!" reklamo ng nakakabata niyang kapatid.

Ginulo lang ni Luke ang buhok nito at ngumiti. Yes malungkot ang puso niya. He came from fresh break with his on and off relationship si Skye. Finally after two years na magulo relasyon nila sa wakas sumuko rin siya. You read it right!? siya na ang sumuko kasi sa kanilang dalawa ang feeling nya siya lang talaga ang nagmahal ng tunay. Akala niya ito na ang forever pero, totoo pala ang kumakalat na balita walang forever. Ang numero unong naging masaya sa desisyon niyang wakasan ang paghihirap ng puso niya, ofcourse ang family niya. Una palang kasi hindi ito boto kay Skye dahil tiwala naman ito sa desisyon niya kaya hindi ito nakialam sa kanila. Pero nitong huli ang mismong kapatid niyang si Catherine nakahuli rito na kasama ex nito. Doon siya tuluyang sumabog at siya na mismo ang nakipagkalas rito.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!