My Lady In Black ( Part 3)

1.5K 76 23

"Bilis May, baka malate tayo!" nagmamadali aya sa kanya ni Elisse.

"Ay nakuh huh, huwag mo akong mamadaliin pagnama-make up ako baka gusto mo matagalan tayo lalo!" inaayos ni May ang eyeliner.

"Maymay naman alam mo naman 2 hours lang reservation ko baka malapse na yun!" reklamo nito.

"Ms. May may naghahanap sayo sa labas?!" pasok ng isang staff.

"Nagpasundo ka?" tanong ni Elisse.

"Hindi! Sino daw yun?" balik tanong ni May sa babae.

"Si Attorney Hontiveros po ata yun!".

"Oh no!" napadilat malaki si May.

"Ang swerte mo nga Ms. May ang gwapo lagi ng sumusundo sayo!" nakangusong sabi nito.

"Can I ask you a big favor?" sabi ni May.

"Ano yun Ms. May?"

"Pakisabi nag-out ako ng maaga with my friends may gagawin kasi kami.. Please don't mention na nandito pa kami!"

"Huh! Ano po? Pinagtatataguan nyo po ang gwapong yun. Sabagay compared to Edward mas lamang naman talaga ang mga aces ng ni Don Gabriel. Sige don't worry ako bahala!" ngiting sabi nito.

"Salamat, tara Elisse sa back door tayo dumaan!"

"Hay hindi ka pa nagtatanggal ng make up niyan pinag-aagawan ka na paano pa kaya pag si Dale Marie ka na, baka magpatayan na ang mga suitors mo!" react nito.

"Hay naku, wala akong manliligaw sa kanila. Tara na bilis!"

"Grabe makapagmadali samantalang siya kanina----!

" Tara na kasi! " sabay hatak nito sa kaibigan.

****

"Okay na yung reservation ni Ms. Joson, Athena? " tanong ni Edward sa assistant manager niya.

"Yes sir, pati yung stage ang yung gitarang gagamitin ng friend niya para sa surprise kay Mccoy okay na rin po! "

"Hindi naman ba kayo nahalata ni Mccoy, baka mamaya may idea na yung tao mabad shot tayo sa client natin!".

"Naku sir, wala siyang ka ide-ideya sa pasurprise ng girlfriend niya!" nakangiting sabi nito.

"Very good call me kapag dumating na sila!" tumalikod na siya sa babae.

"Swerte ng mokong sa lovelife, kahit magkaiba ang status nila sa buhay hindi hassles sa relasyon nila!" napapangiti na lang si Edward sa naiisip nila.

Busy siya ng biglang nagring ang telepono niya.

"Yes Athena!?" nakatingin pa rin siya sa report na binabasa niya.

"Sir, nandito na po si Ms. Joson at mag start na po kami!"

"Okay don't forget kuhanan ng video huh, para yan sa website natin! Papunta ako diyan! "

"Yes sir!"

Habang pinagmamasdan ni Edward ang mga customers nila na karaniwang mga babae nagpapacute sa kanya. Pangiti-ngiti lang siya para hindi naman kabastusan ang datingan niya. Napansin niya na nandito ang kapatid niya at mga pinsan.

"Tol, may event kayo? Dami magaganda!" masayang sabi ni Marco.

"Ikaw talaga, malapit ng dumating si Fenech isusumbong talaga kita!" sabi niya sa kapatid.

"Okay lang sa kanya yun, sabi nga okay lang tumingin huwag lang daw hahawakan at gagalawin!" biro nito.

"Anong ginagawa nyo rito?"

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!