My Lady In Black ( Part 4. 1 Finale)

1.3K 73 39

Hello readers, I need to past forward this masyado na itong matagal (gaya nyo naiinip na rin ako matapos ito).. Sana maintindihan nyo yung story. To fallingnabi, thanks sa idea, pm mo ulit ako kung may bago kang idea😊😊😊

I decided also to cut the last part. Hinati ko kasi masyadong humaba pero I'll post second part of the finale bago ako matulog or pagkagising ko depende yan sa mood ko..

Kaya enjoy reading guys, please do let me know kung may problema or may makita kayo hindi okay sa story. I'll try to fix it as soon as I can.

Pls. Don't forget to vote😊😜😙
Thank you!
R. A. M


Maymay's POV
After 3 years..

Heto si Maymay tumitipa ng gitara sa harap ng maraming tao. Nagbibigay aliw sa mga taong gusto marinig ang kanyang tinig. Habang siya naman few outlet sa pangungulila sa isang taong nais makita at makasama. Mahigit tatlong taonq nakalipas buhat ng ito'y pinalaya niya.

"My next song and it would be the last song for this night. And hope na-enjoy ninyo ang gabi ito at bumalik-balik ulit kayo dito sa Past Time. I dedicate this song for someone who I have known and haven't seen for the past three years".

🎶Pasensya na, kung papatuligin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa🎶

Hindi maiwasan maalala ni May si Edward ng sinimulan bigkasin ang mga lyrics ng kanta. Ito ang perfect song sa nararamdaman niya simula noong pinili niyang palayain ito para tumaparin ang mga pangarap nito.

Masaya sa pakiramdam na ang taong mahal mo at parehas din ang nararamdaman para sayo. Hindi ko ugali magpatumpik-tumpik ng oras kaya bakit ko pa patatagalin mahal ko siya kaya binigay ko na rin ang oo ko sa kanya. Isa sa natutunan ko sa buhay ang pahalagahan ang bawat minuto ng mga tao nasa paligid ko. Yung kasi ang hindi nabigay sa akin nung nabubuhay pa ang magulang ko. Hindi namin itinago sa lahat ang pagtitinginan namin. At ramdam ko naman na suportado ng lahat ang kasiyahan ko. Pero bakit nga ba kami umabot sa ganito? Wala na siya tabi ko at ako heto umaasa pa rin na sana mahal niya pa rin ako.

🎶Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya 🎶

Flashback..

Susupresahin niya sana ni May ang lolo niya. Nagluto siya ng pancake at nais niyang magmeryenda sila sa veranda. Papasok na sana siya ng study room ng maulinigan niyang may kausap ito. Aalis na sana siya ng marinig niya ang pangalan niya. Ayaw man niyang makinig pero hindi niya maiwasan macu-curious kung ano ang tungkol sa kanya.

"Mahal mo talaga ang apo ko?" tanong ni Don.

"Yes, grandpa!"

Napahawak si Maymay sa dibdib ng marinig niya ang boses ni Edward.

"Gaano kalaki ang pagmamahal mo sa apo ko!?"

"Sobra, na walang pwede sumukat at humusga!" deretsong sagot ni Edward sa lolo ni Maymay.

"Sobrang.. Para kalimutan mo ang sarili mong pangarap?"

"Para sa akin siya na po ang kabuuan ng pangarap ko. Kaya kung isa-suggest nyo na iwanan ko siya. Hindi ko po magagawa!"

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!