That Night ( Part 1)

1.1K 83 40

(Part 1)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Part 1)

"Akala ko ba nandito na tayo para damayan ang kaibigan natin ito sa kanyang pagpipighati. Pero parang naka-move on na ito hindi pa man napupulutan ang pagkasawi kay Skye!" akbay ni Bon kay Edwardo sabay tongga sa bote ng sanmiglight.

"Wala naman pa lang problema sana hindi na ako sumama dito!" reklamo ni Gideon.

"Ano ba kayo, what do you expect guys mag-iiyak si Edward dito at magpapakalunod sa alak dahil lang sa break-up nila ni Skye. Ano teenager problem lang!?" sarcastic na sabi ni Donny.

"Maganda ba? Bakit hindi mo lapitan para naman hindi ka magka-stiff neck diyan" sabi ni Bon.

"Paano niya lalapitan e halos lahat ng lumapit sa babaeng yan nasopla!" saba't ni Dism.

"Bakit masungit ba?" tanong ni Gideon.

"Gusto mo ba akong na lang muna lumapit at magpakilala!" presinta ni Dism.

"Pwede ba Dismundo huwag mo nang isama yan sa mga collection mo!" sabi ni Bon.

"Kung maka- mga ka naman Donny parang ang dami nila!" apila ni Dism.

"Bakit totoo naman ang dami naman nila!" segunda naman ni Gideon.

"Uy hindi ko mga babae yun noh!" sabi ni Dism.

"Anong tawag mo sa kanila?" tanong ni Bon.

"Playmates!" proud na sabi nito.

"Playmates!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabay-sabay na sabi nila Gideon, Donny at Bon.

"Grabe kayo sa akin! Hindi porket sinabi playmate ay sa kama na agad ang playground. Pwede sa tennis court, sa boxing ring at basketball court!" reklamo nito.

"Wow pare Dismundo ang laki ng naman nang palaruan ninyo masarap bang mag shoot nang kayong dalawa lang sa basketball court?" makahulugang tanong ni Donny.

"Kayo talaga ang ang dumdumi ng utak ninyo. Pure and professional lang itong kaibigan nyo. Alam ninyo naman kapag very Athletic at into sports kaya lapitin talaga ng mga students na gusto mag Excell non-acads. At isa pa isa lang naman babae ang gusto niyang kalaro ng apoy sa kama!".

" Sino si?? Sino ba yun?? Yun na literal na gustong makipaglaban sayo sa loob ng boxing ring! " natatawa ng sabi ni Donny.

"Hoy Donato tigila mo ang kakaasar sa akin, kung makapagsalita ka parang kailan lang ng pumutok ang balita na may ka loveteam ka raw na loveteam ng bayan huh! Hindi siguro umubra sa kanya ang kasungitan mo noh?" asar ni Dism.

"For your information hindi naman natuloy yung pagiging loveteam namin kasi parang siyang tuod!".

"Grabe Don maganda naman huh!" sabi ni Bon.

"Wala kong sinabing pangit siya!".

"So back to you pareng Edward, lalapitan mo o ako muna para mapaamo ko muna?" nakangising sabi Dism.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!