That Night (Part 6)

1K 116 65

Part 6

"Hi good morning!" masayang bati ni Maymay kila Luis at Annika.

"Sa sasakyan ba yun ni Edward?" tanong ni Annika habang nakatingin sa pinanggalingan niya.

"Ahh yun ba baka kamukha lang!" sabi ni Maymay.

Tiningnan mabuti ni Luis si Maymay para kasing may nagbabago sa itsura ng dalaga.

"O bakit?" baling ni Maymay sa kanya.

"Para kasing may nagbago sayo?" tanong ni Luis.

"Huwag mong ibahin ang usapan, bakit may gown akong natanggap?" mataray na sabi ni Maymay.

"Mahal oh!" sabay sumbong kay Annika.

"That's my idea, actually noon ko pa balak sabihin ang tungkol doon kaya lang pinigilan niya ako!" sabay turo ni Annika kay Luis. "Mas malaki daw ang chance na tumanggi ka kung alam mo na matagal na ang tungkol diyan. At tingin ko naman tama nga si Luis!" nakangiting sabi nito.

"Wala bang way para maalis ako dun, sino magproxy sa akin? Na-s-stress tuloy ako!".

"Okay lang May dapat lang talaga maging maid of honor namin kasi ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Luis. Saka nakausap ko na si Patricia tungkol dito at ayon sa kanya hindi naman malaking kawalan kung sasama ka sa entourage. Mas mababawasan pa raw ang stress niya kung hindi ka daw niya nakikita sa paligid!!" sabi ni Annika.

" Isa pa iyon humanda siya pagbalik ko sa office! " nakita nila Luis na nilamukos ni Maymay ang tissue hawaka niya.

"May!" sita ni Luis sa kanya sabay nguso sa tissue nilukot niya.

"Ay!!" sabay bitaw ni Maymay. "By the way nandyaan na ang lahat nang naayos ko nung pumunta ako sa Palawan. Mas okay sa sana sa susunod na meeting ay makabalik tayo para sa food tasting. Sabi ni Edward masasarap daw ang lahat na nasa list at hindi basta basta ang pagkain na inaalok ng hotel nyo. Pero mas okay pa rin kung kayo ang mag-a-approve ng pagkain. Dahil sa malayo ang pagaganapan ng kasal ninyo so kayo din magpro-provide nang accommodation ng mga guest. Sinaggest din ni Edward na mas mainam kung East valle ang ipapareserved ninyo bukod sa maganda amenities doon malapit na mismo sa gaganapan ng kasalan. So kayo lahat mag-provide lahat nang pangangailangan nila. Nilagay na rin ni Edward diyan yung digits na na magagastos nyo. Estimated lang lahat yan pwede mabawasan at pwede rin madagdagan. Sa airfare naman didipende kung sasagot lahat ng guest RSVP na ginawa namin nila Patricia. Yung iba guest kung sila ang magpapabook we can give advice kung saan sila pwedeng magpabook!" paliwanag ni Maymay sa dalawa.

" Wow plantsado na pala lahat at regarding sa digit na binigay ni Edward okay naman kaya pa naman namin since si Daddy bibigyan naman daw kami ng discount!" sabi ni Annika habang tinitingnan ang ibang documents.

" Okay din pala si Edward ang pinasama natin kay May. Ang dami ninyong nagawa in three days! " sabi ni Luis.

" Mukang maganda ang tandem nila Mahal! " sabi ni Annika.

" Kahit sino huwag lang si Edward Maymay!". Napatingin sila Annika at Maymay kay Luis parehas nilang nakita ang pagkaseryuso nito." What I mean huwag kang ma-fa-fall kay Edward Maymay ang alam ko mahal pa nun ang ex niya. Saka After our wedding babalik ka nang Germany! Diba? " balik na tanong ni Luis sa kanya.

Naningkit ang mata ni Maymay dahil sa galawan ni Luis. Gagalaw ang jawline nito, luluwagan ang necktie at titingnan siya diretso sa mga mata.

"Naasar ang loko, pero bakit naman?" tanong ni Maymay.

Pero ugali rin ni Maymay na aasarin pa lalo ito.

"Baka magbago ang isip ko malay mo makakita ako ng rason para mag-stay dito!".

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!