No Label ( His POV )

1.1K 76 81

"Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto sagutin ang mga tanong mo. At kung kagaano ako nagtitipi na sabihin sayo ang lahat-lahat ng nararamdaman ko. Pero hindi pa maaari dahil....."

-EJ

His POV

"Bakit ngayon ka lang?!" tanong ni EJ.

Kanina pa siya naghihintay mag login sa skype.

"Hala siya! Nag-pm ako sayo na huwag ka ng gumising ng maaga!" nakapantulog na ito at nag-aayos ng gamit sa kama.

"E bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko or kahit text wala!" halata boses nito na asar na asar ito sa kanya.

"Talaga wait...!" may kinuha ito sa bag.

"Oh my gosh ang OA huh, 30 miss call!" react ni MM.

Nakita niyang nagsalubong kilay nito at idagdag pa na magulo ang buhok nito.

"OA pala mag-alala sayo!" ssbi ni EJ.

"Ano ka ba naman joke lang yun, sorry na medyo toxic lang sa office kaya nagkayayaan lang mag-unwind!" deretsong sabi ni MM.

"So you went out and you didn't bother to tell me!?" medyo nairita si EJ sa sinabi ni MM.

"I did, sabi ko sa pm ko magco-coffee lang kami nila ate Kakai" mahinahon sabi ng dalaga.

"But you didn't mention that you went out as a group. I bet may lalaking kasama yan!" halata pa rin sa boses nito na hindi natutuwa sa sinabi niya.

"Yes, their boyfriends and suitors, ako nga lang sabit doon!".

Lumambot ang expression ni EJ sa sinabi kay MM.

"Bakit gusto mo na bang magkaboyfriend para kahit saan lakad may mahahatak ka?" tanong niya.

"Masyadong mababaw kung ganyan rason, pero kung ang tanong mo if I want to have a boyfriend? syempre naman. Gusto ko na, 28 na ako EJ I'm old na for being NBSB. Sabi nga ni ate Kakai mag entertain na raw ako ng manliligaw baka sakali magustuhan ko na rin ang feeling na may boyfriend baka hindi naman talaga totoo yung hinihintay kong sign. Hopeless romantic lang siguro ako talaga! " sabay tawa ni MM.

Napabuntong hininga lang si EJ sa narinig niya.

"Kung nandito ka lang sana, siguro hindi ko mafe-feel ang ganito. Kasi ikaw lang sapat na!" nakangiting sabi ni MM.

Biglang nawala lahat ang inis na nararadaman niya ng marinig ang sinabi ni MM.

"Talaga!" sabay ngiti niya.

"Huh!?" nagtaka naman si MM sa sinabi niya.

"Yung sinabi mo!" giit ni EJ gusto kasi niyang marinig.

"ang dami kong kayang sinabi!".

"Yung last yun ako lang sapat na!" nakangiting sabi ni EJ.

"Ay sus nagpapalambing lang pala ang mama. Pero totoo yun huh, ikaw lang sapat na. Kasi kapag kasama kita hindi ko nararamdaman na may kulang kaya nga uwi ka dito!" sabay tawa ni MM.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!