Sweet Serendipity Part 4

1K 95 42


"Nakakainis talaga minsan si Mye, ano akala niya sakin paslit? Kung pagalitan lang ako akala mo bata lang ako sa paningin niya. Saka ano naman masama kung sumama ako sa pinsan niya? E pinsan naman niya iyon. Minsan baliw rin mag-isip!" naiinis na sabi ni MM.

Flashback...

" Uy babae saan ka pupunta? Bakit hindi ko ata alam itong lakad ninyo ni Ed?" nagulat na dire-diretso pasok nito sa kwarto niya.

" Oh bakit hindi kaba kasama?" nagtatakang sabi ni MM.

Muka kasing naalimpungatan lang ito sa madaling araw.

"Kasama? Hindi ko nga alam itong lakad na ito!".

"Bakit hindi ba sinabi sayo ng pinsan mo? Siya kaya ang nag-aya!".

"Tigilan mo ang pag-iimpake hindi ka na sasama sa kanya!" sabi nito.

"Hala siya hindi ka lang kasama pati ako hindi na rin, ano tayo kambal?" sarkastikong sagot ni MM.

"Uy Marydale ikaw lang naman ang iniisip ko. Yang puso mo ang dali pa naman mahulog niyan!".

"Grabe wala tiwala, e di sumama ka!" naiinis si MM sa inaasal ng kaibigan.

"Yun na nga nakakainis e, ayaw akong pasamahin ng pinsan kong hilaw. Suportado pa ng ate kong baliw!"  halata ang inis sa boses nito.

"Sinong baliw?" sabay pasok ni ate Myra.

"E di ikaw, bakit kasi kumukontra na sumama ako sa kanila?" tanong nito.

"Dahil ayaw ni Ed na sumama ka, saka ilang beses ka na nakpunta doon. Anong pinagpuputok ng butsi mo diyan?".

"Ate delikado ang lokang-lokang babae na ito sa kamandag ni Ed. Weakness pa nito ang gwapong tisoy!" sabi nito sabay baling sa kaibigan.

"Grabe ka sa akin Mye, hindi porket iniwan ako sabik na ako sa lalaki. Baka natatandaan wasak ako at hindi porket dalawang beses na nanyari sa akin ito gagawin ko ng hobby. Bigyan mo naman ako chance maka-move on. Hindi ako hayok sa lalaki, wala akong balak  pikutin ang pinsan mo!".

Doon napahinto sa pagsisintir si Mye. Naramdaman siguro nito na sumama na ang loob ng kaibigan.

"Done packing let's go!" biglang singit ni Ed.

Dali-dali lumabas si MM sa kwarto habang bitbit ang bagback.

"E ano nakarinig ka noh!? Ikaw naman kasi yung bibig mo minsan masyadong matabil, kaya lang naman kita hindi pinasama kasi may gagawin tayo sa bayan mamaya!" asar ni Myra sa kapatid.

"Iniisip ko lang naman yung kapakanan niya. Paano kung mahulog na naman siya buti sana kung sasaluhin nitong si Ed kaso alam naman natin malabo yun. Torture na masyado ang puso ni MM baka bumigay na!" malungkot na sabi ni Mye.

"Don't worry cou'z, MM is safe with me. Hindi ko hahayaan manyari ang sinasabi. Sige ate Myra alis muna po kami baka bukas ng madaling araw na balik namin!" paalam ni Ed saka humalik kay ate Myra at ginulo ang buhok ni Mye.

End of flashback...

Kitang-kita ni Ed ang pagmo-monologue ni MM at pagsasalita nito mag-isa. a\Alam niya ang dahilan naang pagka-bad mood nito ang pinsan niyang si Mye. Narinig niya ang pagtatalo nito kaninang umaga. Dapat naman talaga kasama ito sa plano niya pagpunta sa falls kaya lang sinabi ni ate Myra  na may kailangan silang lakarin sa bayan para sa resort nila.

Napansin niya na medyo matarik na ang tatahakin nilang paakyat sa kabilang bundok para marating ang gitnang bahagi nito.

"MM!" tawag niya sa babae pero hindi siya na rinig nito pa rin siy nito.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!