That Night (Part 4)

921 89 36

Kung below 18 ka please huwag mo nang pagtakaan basahin pakilaktawan na lang please....

PART 4

Nakatulog pala si Edward pag-akyat niya sa kwarto niya. Naghiwalay sila ni Maymay pagkatapos nilang ikutin ang lugar kung saan gaganapin mismo ang kasalang  Annika at Luis. Ang paalam niya sa dalaga magpapalit at maliligo lang pero pagkatapos niyang mag-shower ay nakaramdam siya ng antok at tuluyang nakatulog. Naalipungantan lang siya nang makaramdam nang lamig. Minulat niya ang mata at kadiliman na nang paligid ang sumalubong sa kanya. Mula sa kwarto ay naririnig ang malakas na hampas ng alon ng dagat. Dali-dali siyang lumabas para katukin ang ang kabilang pinto.

"Good evening Sir!" bati sa kanya nang isa nilang crew.

"Good evening napansin mo ba yung kasama kong babae kanina?" tano niya rito.

"Ay opo sir, nasa dining area po siya kanina kumakain!".

"Sige salamat!" dali-daling bumaba si Edward nagbabakasakali siyang maabutan pa niya roon ang dalaga.

Pero nadismaya siya nang makita ang relo pasado alas-nuwebe na.

"Ay naku Edward sa daming araw tatamaan ng pagod ngayon gabi pa?!" pagalit niya sa sarili.

Pagdating niya sa dining area ay nakasalubong naman niya ang manager in-charge nang gabing iyon.

"Ms.  Maneses napansin nyo ba yung guest na kasama ko?".

"Ahh si Ms. May po, katatapos lang niya kumain and I think nasa tabing dagat siya malapit sa Manor!".

"Sige salamat!"

Pumunta si Edward para sundan ang dalaga at hindi naman siya nahirapan hanapin ang dalaga. Nakaupo ito sa isang area at nakatutok ang paningin sa laptop.

"Busy?!" sabi niya nang tuluyan siyang makalapit sa dalaga.

Ngumiti lang si Maymay nang iangat niya ang paningin para makita si Edward. Speechless siya kasi sobrang bango nitong tingnan sa suot nitong simple white tshirt.

"Do you mind?" sabi nito sa tabi  niya.

Tumango lang siya bilang sagot sa tanong nito.

"Bakit hindi mo ako kinatok para nagkasabay tayo kumain?".

"Gutom na kasi ako, e alam ko naman pagod ka kaya hinayaan na lang kitang matulog!" sagot ni Maymay.

Hindi pa rin maagaw ni Edward si Maymay mula sa ginagawa niya.

"Gaano ka importante ba yang ginagawa mo at hindi mo man lang ako tapunan nang tingin?" hindi na niya natiis sabihin.

Dahilan para tingnan siya ni Maymay.

"Mas importante pa sa buhay mo, alam mo naman rush ang wedding ng ate mo. Na hanggang ngayon hindi ko  maintindihan bakit kailangan magmadali. Ni hindi naman siya buntis para maikasal in short span of time!" sagot ni Maymay.

"Hinahabol kasi  ni ate ang lugar na ito hanggang hindi pa matao . In 3 months kasi balak na namin itong buksan talaga para sa lahat!" paliwanag ni Edward.

"Talaga kaya pala, sapagay may point din naman hanggang hindi pa matao para yung guest  merun din accommodations. Sino pala mag-manage nito?" tanong ni Maymay.

"Ako at si daddy halinhinan kami. Hindi kasi pwedeng mag-full time dito si Daddy we still have business sa Manila!".

"Wow huh so okay lang makulong ka sa lugar na ito? Paano night life and friends mo?".

"Maymay noong gabing nagkita tayo roon nagkayayaan lang ang barkada para mag-inumam hindi ako nang kagaya nang iniisip mo!" depensa niya sa iniisip nang dalaga tungkol sa kanya.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!