MAY Special Someone! ( Part 1)

1.9K 108 23

Sa gitnang na malalaking building sa Makati natagpuan ni Maymay ang sariling umuupo sa mini park ng tapat buliding kung saan siya dating nagtratrabaho. Dati as in dati, less than twenty minutes na siyang jobless. At dahil yung sa isang babaeng wala naman alam kundi magpaganda at imodel ang malaki niyang boobs sa opisina nila.

"Your fired Ms. Entrata! Kainis basta-basta na lang nagdedesisyon ng hindi man lang tinatanong kung ano talaga ang nanyari. Ano ba naman matutulong ng babae nun e malaki lang naman ang boobs nun. Yung sinasabi nila nagawang report ng babaeng tinubuan ng boobs e ako kaya gumawa nun. credit grabber! Boobs lang ba ang labanan, pakita ko pa sa kanila legs ko iwan ko lang kung hindi sila maglaway... Kaiiinnniiissss! " padabog na naupo sa isang bench.

" Grrrrrrrrrrrrr!" muli niyang pangtanggal inis niya.

"Excuse Miss, would you mine?" sabi ng foreigner na nakaupo bench na inupuan niya.

Gusto man magpacute ni Maymay dahil gwapo ang katabi niya. Sadyang wala talaga siyang sa mood makipagkulitan sa ngayon. Iniisip niya kung paano na siya ngayon. Wala siyang pera dahil kakapadala palang niya sa Camiguin. Ang tanging natitira sa kanya ay ang allowance niya sa buong linggo na iyon. E paano siya ngayon? Dahil natanggal siya malamang nakahold din ang sasahudin this cut off at sabay itong ibibigay once marelease ang back pay niya.

"Miss!?" sabi ulit ng lalaki.

"Ay naku huwag mo akong ma-miss miss diyan! Pagganitong sobrang inis dahil sa mga pangit na ugali nila!" bulas ni Maymay.

"So you have a problem?" singit ulit ng lalaking foreigner.

"Ay huwag mo akong ma-english english diyan wala talaga akong sa mood ngayon. Wala na nga ako trabaho mawawalan pa ako ng dugo sayo!".

Napangiti lang sa kanya ang foreigner.

"Huwag mo akong ngitian diyan huh! Hindi porket gwapo ka at killer smile ka diyan oobra ka na sa akin. Ikaw yung tipong lalaki ni babaeng tinubuan ng boobs na landiin!" napapailing na lang sabi ni Maymay.

Tumahimik ang lalaki pero nakatingin pa rin ito sa kanya.

"Pwede bang ishare ko lang sayo kung gaano ang hirap ko diyan sa kompanyang yan nang makamove-on na ako!" sabi ni Maymay sa laking hindi naman niya kakilala.

Ngumiti ito akala siguro naagpapacute siya rito.

"Huwag mo akong nginitian diyan marupok ako!" naiiling na sabi niya.

"Alam mo ba five years na ako naninilbihan diyan sa building na yan (sabay turo niya sa katapat na building) kahit nga maliit ang sahod ko noon tinanggap ko kasi ang sabi itataas naman nila once maregular ako. So dahil masipag ako naregular nga pero kaunti lang naman ang itinaas ng sahod ko! " tinanggal niya ang salamin niya sa mata at hinatak ang pagkakaapusod ng buhok niya.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Edward ang pagtanggal nito sa salamin at sa tali ng buhok. Sa totoo lang mataggal na niyang nakikita ang babae ito sa kompanya nila. Kung minsan malapit sa photo copier machine, minsan nasa pantry, minsan nasa conference room at madalas sa elevator may bitbit ng kung anu-ano.

"Tapos dumating lang ang babaeng tinubuan ng boobs na iyon ay kabilis ng progreso ng buhay niya. Akalain mo nauna pa sa akin magkasariling table at computer set. Samatalang ako nakikigamit lang computer kapag may absent o kaya may ipapagawa sila sa akin. Porket ba hindi ako maganda..... Akala lang nila yun, maganda kaya ako hindi lang nila alam. Kung boobs panlaban nun babaeng iyon, mahaba naman legs ko. Kaya lang may respeto ako sa sarili ko hindi ko matake magpanganda kung manyak naman at magnanakaw ang makakasabay ko sa bus. Haisstttt.. Pero sa totoo lang ayaw ko na talaga kompanyang yan. Pisikal na anyo lang ang pinapapahalagahan. Nauuna pang ma-promote ang nakahapit at maiksing palda kaysa laki ng laman ng utak. Sabi ni Loisa sa departamento lang naman ganun ang sistema pero bakit sa daming department bakit nandun pa ako. Paano na ako hindi na ako kakain ganun ba? Sa kalsada na ako matutulog next week at higit sa lahat paano na sila mama sa Camiguin asang asa pa naman sila sa pinapadala ko! " pinunasan agad ni Maymay ang nagbabadyang luha niya.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!