Utak O Puso (part Two)

1.8K 107 36

Kinabukasan....

Tumunog na ang alarm clock ni Shine, agad siyang tumayo at tumingin sa kama.

" Nanaginip lang ba ako na katabi ko si Luke kagabi! Ay naku naman Shine ke aga-aga nagda-day dreaming ka naman! "sabi niya.

Tumayo siya at inayos ang kama. Kinuha niya ang gamit pampaligo at lumabas ng kwarto.

" Good morning! " bati ni Luke sa kanya.

Napanganga si Shine sa lalaking topless at may hawak na kawali sa kabilang kamay.

"Breakfast will be served in less than fifteen minutes!" sabay paskil ni Luke ng killer smile niya.

"Parang mabubusog na ata ako sa nakikita ko pa lang!" bulong niya sa sarili

"Shine coffee, tea or me?" malanding tanong nito sa kanya.

"Me!?" medyo windang pa siya sa tanong ni Luke.

"Huh?" natatawang balik na tanong ni Luke sa kanya.

"Me.. me-liligo muna ako. Alam mo naman sa Pilipinas mainit kahit maaga pa. Tama maliligo muna ako masyado kasing maalinsangan ang panahon!".

Deretso siyang pumasok sa banyo.

"Ano ka ba Liwanag ke aga-aga kung ano makamundong pinag-iisip mo? Focus fucus may Skye na yung tao huwag kang mafa-fall!" pagalit niya sa sariling replesyon sa sa salamin.Dinaan na lang niya sa paliligo ang ang naiisip. Sakto paglabas niya naghahain ito. Sumensyas siya na magbibihis muna siya at tumango lang ito. Nang makabalik siya sa kitchen niya nakahain na lahat ng masarap na pagkain sa lamesa. Isa isa niya kinuhanan ng ang pagkain habang my kausap naman si Luke sa phone.

"Yes mommy, I'll send Shine to her office first then babalik na ako diyan! Mommy wants to talk to you!" sabay sa kanya ng phone.

"Shine hindi ka ba kinulit ni Luke kagabi?" tanong ng ginang sa kabilang linya.

"Ma, hindi naman po!"

"Okay, later dinner with us susunduin ka namin sa office mo huh!"

"Okay po!" nagpaalam na ang ginang at binalik ni Shine ag cellphone ng binata.

"Kain ka ng marami and ginawan na rin kita ng lunch para hindi ka na lalabas at sasama kung kani-kanino ka sumasama!" sabi nito.

"Wow huh, isa ito sa mga namiss ko sayo!" masayang sai ni Shine habang masayang kumakain.

"Buti naman namimiss mo pala ako!" sabi luke habang nakatingin sa kinakain niya.

"Abay syempre naman! for four years lagi kang umuuwi dito kahit ilang days lang para bisitahin ako pero last year wala ka. One year kaya tayo hindi nagkita!"

"Kaya ka naghanap ka ng iba makakasama?"

"Huh!"

"Nicholas!" walang ganang sabi ni Luke.

"Nicholas is may workmate, a friend and my partner in crime!"

"See that why I don't like that guy kasi he's always with you! Is he in realationship right now?"

"No and I don't think he is ready for that! ako na ang magliligpit pambawi ko sa pagluto mo sa akin ng breakfast and lunch" malumanay na sagot niya at tumayo at isa-isa inimis ang pinagkainan nila.

"Baka naman kasi may inaabangan o naghihintay lang sayo yun!"

"Malabo yan, if you only knew him personally matatawa ka sa mga iniisip mo!"

"Diba usapan tayo hindi ka pwedeng magpaligaw sa iba?"

"Bakit wala naman nanliligaw sa akin. Hayaan mo pagmerun na ikaw ang unang makakaalam!" nakangiting sabi ni Shine habang naghuhugas ng pingan.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!