@Thirty (Part 1)

1.8K 75 34

Medyo tinagalan ni May ang pagpili ng pagkain sa buffet table. Alam niya kasing pag-upo niya sa table na kung nasaan ang mga tita's niya siya na naman ang iha-hot seat nito. Isa pa ito sa rason kung bakit  ayaw niya uma-attend ng pa party nito kasi ang ending ang pagiging single na naman niya ang puntirya nila. Laki siya sa poder ng tatlong tita's niya puro matandang dalaga. Although ang tita Agnes niya sa Manila nagwo-work madalas pa rin itong umuwi sa La Union. Ang tita Amore naman niya na may birthday ngayon ang pinakamatampuhin sa lahat palibhasa ito ang panganay lahat at tumutok sa paglaki niya. Ilang birthday na kasi ang hindi niya sinipot kaya katakot-takot na dramahan ang nanyari sa kanila nitong mga huling araw kaya wala na rin siyang nagawa kundi umoo. Ang tita Grace naman niya ay tibo kaya single pa rin. Ito ang sumundo sa kanya sa Manila para wala siyang lusot na hindi makapunta. Ang galing talaga ng mga tita's niya planado na ata ang lahat. Buti na lang mahal niya talagang tunay ang mga ito.

Apat silang magkakapatid bunso ang mama niya. Nasa lahi daw nila ang pagigingatandang dalaga kaya ayun sa takot ng mama niyang manyari ang nasa lahi nila. Ayun maagang nagtanan pero hindi pinalad sa piniling pag-ibig siya ang bunga niyon. Nagkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Japan  si Lorna para sa kanyang kinabukasan ay gumora na ito. Naiiwan siya poder ng tatlong tita's niya. Nakapag-asawa ulit ang mama niya sa Japan at tuluyang sinuwerte sa pangalawang pag-ibig. Gusto sana ng mama niya na kunin siya pero mas pinili niyang mag-stay sa poder ng mga tita niya dama niya kasi ang lungkot kung mawawala siya. Kaya kung may pagkakataon nakakapagbakasyon naman siya Japan para makasama naman niya ang ina.

"Uy May para naman napakadami mo namang kinuhang pagkain. Baka hindi mo naman maubos yan!" sabi ni Tita Agnes niya.

"Okay lang tita namiss ko po bigla ang pagkain dito  hindi ko po alam kung ano gusto kong unahin kaya kinuha ko na lang lahat!" nakangiting sabi ni May.

"Ilan taon ka na ba iha, 29.. 30.. 31?" tanong ni Tita Amore.

"Heto na po kami!" sabi ni May sa isip.

"Mag-30 na po tita sa May!" pround na sagot niya.

"At wala ka pa rin nobyo!" segunda ng tita Agnes niya.

Nakangiting umiling ito.

"Masaya ka pa ng lagay na yan!" sabi ni tita Amore.

"Bakit tita kayo po hindi kayo masaya na single din kayo. Diba kayo na rin ang nagsabi ang pagiging single is a choice so far yan pa rin ang pinipili ko!"

"Wala Agnes tayo pa ata ang may kasalanan kung bakit ganyan mag-isip ang pamangkin natin!" naiiling na sabi ni  tita Grace.

"Yan kasi masyado nyo kasing in- orient ang bata yan sa corporate world kaya tumanda competitive at hindi na hindi nagmamadali!"

"Tita wala may kasalanan nun, mellenials na po tayo. Hindi na po issue sa lipunan natin kung single pa ako sa edad kong ito! Saka po wala naman pong masama kung tumada ako dalaga bakit kayo, okay naman kayo at masaya! " sabay subo ni May.

"Oo okay kami pero May mga oras din minsan naiisip namin ang mga what if's na yan. Ayaw ka namin magaya ka sa amin!" seryusong sabi ng Tita Amore niya.

Napatigil si May sa pagsubo at pinagmasdan ang mga tita niya. Bigla siyang kinabahan sa mga narinig niya.

"di bale ang tadhana ang bahala sayo, Abay malay mo palapit na siya ngayon!" nakangiting sabi ng tita Amore niya.

Tumayo ito at waring masayang-masaya aa nakikita.

"Happy birthday tita Amore!"

Bigla na lang  napaintad si May sa narinig.

"Sinasabi ko na nga may patutunguhan ang pangungulit ng mga tita's!"

"Hi Tita Agnes you getting young everytime we see huh!"

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!