My Lady In Black ( Part 2)

1.5K 84 28

Dahil late na nakatulog si Maymay, normal sa kanyang gumising ng tanghali. Pero iba sa mansyon, kailangan sabay-sabay sila mag-aalmusal.

"Ms. Maymay, gising na po. Nakahanda na po ang agahan!" sabi ni Rita.

"Pwede bang pass muna, kakatulog ko lang e!" reklamo niya.

"Naku po hindi maaari, mamaya baba na rin po si Don Gabriel!" sabi nito.

Bigla napabalikwas si Maymay ng bangon dahil naalala niya na inaasahan pala ng abuelo na makakasabay silang magbreakfast ngayon.

"Maliligo na ako!" sabay takbo sa banyo.

Pagkaligo nakatapis lang ito lumabas ng banyo.

"Wow ms. May ang ganda nyo po pala, para kayong artista. May kamukha kayo si... Sino nga ba yun!?.. Si---!"

"Si Dale Marie!?" nakangiting sabi ni May.

"Oo, kamukhang-kamuha nyo nga e!" manghang sabi n i Rita.

"Secret lang natin yan huh!" nakangiting humarap si May sa vanity mirror niya.

Nagpahid siya ng skin protection bago naglagay ng maitim na eye liner at lipstick na itim.

"Ms. May--- anong pong nanyari sa inyo!? Ke aga-aga nagpaka emo kayo?" sabi ni Rita.

"E ganito lang talaga ako, kaya hayaan mo na lang ako!" natatawang sabi niya.

"Ms. May, ano po ang susuotin nyo rito!" sabay kaway ni Rita sa dalawa ternong damit na nakahanger pa.

"Wala diyan ang gusto ko!" sabi ni May.

Dumiretso siya sa maleta at kumuha ng leggings at isang itim na t-shirt.

"Ms. May wala na bang ibang color!?" tanong ni Rita.

"Merun Gray kaya lang hindi ko trip ngayon!" nKangiting sabi niya.

****

Tahimik na naghihintay sila Don Gabriel at attorney Luis sa hapagkainan.

"Siguro po namamahay pa si Maymay Don Gabriel kaya late po siya nagising!" sabi Luis.

"Siguro nga, pero yung apat nasaan sila. Huwag mong sabihin natakasan na naman ng mga bata mo?" puna ng matanda.

"Naku hindi po, ayun kay Tanner ni hindi na daw lumabas maski isa sa kanila kagabi pagkatapos ng hapunan!" paliwanag nito.

Sabay napatingin si Don Gabriel at Luis ng isa-isang pumasok ang apat na lalaki. Kanya-kanyang upo sila sa upuan ng hindi lumilingon kila don Gabriel.

"Saan na naman kayo gumimik at mukang puyat na puyat kayo?" medyo madiin na tanong ng Don.

"Hindi po kami lumabas kagabi sobrang lakas lang ng trip ng tatlong ito kaya lahat kami puyat!" sabi Edward.

"Nag-drugs na kayo?" tanong ni Luis.

"Drugs agad hindi ba pwede multo lang!" depensa ni Edward sa tatlo.

Dati pang may silent war itong si Luis at Edward. Halos sabay silang lumaki sa masyon ang pinakaiba lang si Luis ay anak ng namayapang attorney ng Don. Kaya siya lahat nagmana ng naiwan ng ama lalo na pagdating sa mga legal matters ng don. Si Edward naman ay ampong ng don kasama kapatid na si Marco at dalawang pinsan sila Yong at Christian. Lagi silang magkaka-kompetensya sa lahat ng bagay, lalo na paningin ni Don Gabriel.

"Multo, ke tatanda nyo na naniniwala pa rin kayo sa kwentong barbero.!" sabi ni Luis.

"Totoo yung grandpa, nakita ng dalawang mata ko na may black lady lumulutang sa veranda ni Ms. Jinri!" sabi ni Marco.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!