Pursuing My Dreams :)

1.3K 74 110


Sa mga minamahal kong readers ko..

Alam kong matagal akong hindi nakapag-update. Lilinisin ko lang ang agiw sa utak ko. Hindi kasi ako maka move on hanggang hindi ko ito  natatapos ito. Masama pa rin po ang pakiramdam ko at inuunti-unti ko ito. Pumasok ang ideya na ito pagkatapos ng concert ni May sa Pampangga. Sana magustuhan nyo.

Yung playful heart tomorrow mag-update na po ako..

Salamat😊😊😊😊

****

Nakaupo si John sa main lobby ng opisina na papasukan niya ngayon. Magtratrabaho siya isang kilalalang  company. Hindi niya maiwasan kabahan sa mga oras na iyon. Bigla sumagi sa isip niya ang kabilin-bilinan ng daddy niya.

"Last na ito John pagwala pa rin nanyari diyan sa paghahanap mo. Uuwi ka na sa Germany at tutulungan mo na ang ate mo sa pagpapatakbo ng negosyo natin!" sabi ng ama niya.

"Yes dad, last na po ito total nakita ko na rin naman yung matagal ko nang hinahanap!".

"Okay good, I'll give you one month to fix that!".

"Dad naman one month lang talaga, make it two!".

"One month!".

"One and half!?"

"One month! ".

"Five weeks!".

"One month take it or leave it!".

"Okay one month deal!".

Naiiling na lang si John kapag naaalala niya ang binigay ma palugit ng daddy niya.

"Mr. Barber!".

"Yes!" sagot niya sa tumawag sa kanya.

"Follow me this way!" sabi ng babaeng nakasuot ng four inches na takong na tumutunog habag naglalakad ito. Isa-isa siyang nilibot sa opisina bago siya dinala sa department na pupwestuhan niya.

"And this is the editorials department . Jane nasaan si Dale?" tanong ng babaeng maingay ang takong.

Napatingin si Jane kay John at patalikod itong naglakad para katukin ang desk ni Dale.

"Dale tawag ka!".

"Sino?" tanong ni Dale pero tumayo na ito para tingnan ang naghahanap sa kanya.

Nanlaki ang mata nito ng makita siya nito. Habang siya ay nakahanda ang praktisadong poging smile niya. Lumapit si Dale sa kanila na hindi nabubura ang ngiti.

"Dale this is John your new editor slash writer. John si Dale ang senior editor siya ang magtuturo ng gagawin mo. Teka grabe ang tinginan at ngitian na yan huh, magkakilala ba kayo?".

"Yah, he is my ex!" proud na sabi ni Dale.

Nagulat si John sa sinabi ni Dale.

"Ay ayaw ko na kay pogi nalawayan na pala ni Dale!" sabi ng isang babae.

"Sayang naman!" sabi ng isa pang babae na tumawag kay Dale kanina.

"So mag-ex kayo, just wanna remind you lang na bawal ang office love affair dito!".

"Bethany huwag masyadong harsh sa bago actually pwede naman magboyfriend at girlfriend basta discreet lang!" apila ni Dale na nakatingin at nakagiti pa rin kay John.

"Kahit na that's our-----!"

"Bakit ikaw si sir Jerry diba nilagawan mo!?" sabi ni Jane.

Nagbulong- nagbulungan ang mga taga editors.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!