Sweet Serendipity Part 1

1.3K 77 35

Ed:Let's break up!

Naririning mo ba yan sinasabi mo? :MM

Ed:I'm tired!

Akala mo ba ikaw lang? Pero heto pa rin ako hindi man lang sumagi sa isip kong sumuko! :MM

Ed:I can give you many excuses but I'm sorry I can't love you back!

Walang hiya ka! bigyan mo ako ng rason... kahit ano lang maisip mo diyan. Para alam ko saan ako mag-uumpisa magmove- on! :MM

Ed: I don't know what to say... Just.... Just continue living without me!

Hindi ganoon kadali yun, ano palagay mo sa puso ko traffic lights. Pag nag red pwede mong tambayan tapos pag green  sabay sibat ng alis. Mabuti pa nga iyon traffic lights sayo e, nagkukulay orange muna bago tuluyan magpalit ng ibang kulay. Kumbaga marunong magbigay ng warning sign! :MM

Ed: I'm sorry that's all I can say!

Hindi ko kailangan yan, ang gusto ko sabihin mo sa akin kung bakit ayaw mo?! :MM

Ed: Even me I don't know what is the reason why. I just woke up one day that I don't feel the same way. Im not same boy who's madly inlove with you!

Wow! Galing mo rin e noh, syo-syotain mo ako tapos iiwanan mo lang pala! :MM

Ed: I'm really really sorry!

Patawad!? Sapalagay matatanggap ko yun? Ni hindi ko nga alam kung anong rason bakit kita patatawarin! :MM

Tumayo ang babae saka iniwanan si Edward. Kinuha niya ang cellphone saka may dinayal na numero.

Nagwalk out si MM umaasang susundan siya ng kasintahan (Oopppsss correction dating kasintahan!). Tumulo ang luha saka pinunasan ng mga kamay niya. Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Sa mga oras na iyon ang nagma-matters lang sa kanya ay ang sakit na binigay ng damuhong yun sa puso niya. Kinuha niya ang cellphone saka tumipa ng numero!

Ed:Hello ate Myra can I visit you in the Philippines. You know.....vacation something like that.... Problem!? Nahhhhhh I think I need a break. Yahhhh I'll book a flight next week for the mean time I ask mom permission first. Okay ba-bye for now see you next week!

Mye!!???.. Nakipaghiwalay na siya sa akin.. At this time mukang totoo na. Ni hindi man  lang niya ako hinabol nang mag-walk out ako e?! Oo alam kong kinulang ako sa hinaharap, kung ganda naman madaling remedyuhan. Siguro dahil matangkad ako ng kaunti sa kanya... Ako nababaliw? Diba ganun naman ang nagmamahal! Nasaan ka susundan kita kahit nasaan ka man. Hindi ko yata kayang mag-isip ngayon ng matino kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Grabe nasa Palawan ka?! Layo mo naman bakit hindi ko yan alam? Uy hindi naman hanggang kailan ikaw diyan? Sige sige magle-leave ako susunod ako diyan.  Sagot mo pamasahe ko pauwi huh! :MM

Napabuntong hininga si MM pagkatapos niyang kausapin ang kaibigan sa kabilang linya. Pinunasan niya ang mga luha ng mapatingin siya sa lalaking nakangisi sa harap niya.

"Anong tini-tingin mo diyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng umiiyak. O normal lang sayo nakakakita at may umiiyak sa harapan nyo? Kayo talaga puro paasa!" singhal ni MM.

"Uy miss kung may problema ka sa asawa o syota mo huwag mong idamay lahat ng lalaki. Nabubuhay  pa ang lahi naming faithful at loyal sa mga mahal namin!" sabay talikod nito sa kanya.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!