That Night (Part 7)

866 87 41


Part 7

Tulala si Maymay sa loob nang CR habang nakatulala sa tatlong bagay na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o matutuwa. Lahat nagflashback sa isip niya kung paano umabot sa ganito ang lahat. In two weeks magaganap na ang kasalang Luis at Annika. Ibig sabihin two weeks na lang din ang ilalagi niya sa Pilipinas . Napapikit na lang siya sa frustration sa mga iniisip niya.

"Maymay?"  sabay katok ni Edward  sa banyo. Ibig

"Bakit?" tanong niya.

"Kanina pa tumutunog ang cellphone mo, matagal ka pa ba diyan?" tanong ulit nito.

"Palabas na rin!" sagot niya kay Edward.

Kinuha  niya tinitingnan saka tinago sa bulsa.  Naghilmos siya saka huminga nang malalim bago tuluyang lumabas sa banyo.

"Okay ka lang?" tanong ni Edward na nag-aabang sa paglabas niya.

"Oo naman, bakit ako hindi magiging okay?" depensa ni May.

"Ang tagal mo kasi sa banyo kaya akala ko may masakit sa katawan mo!".

"Ang OA mo talaga, akin na nga yan!" sabay kuha niy ng cellphone niya sa kamay ni Edward.

"Ang ate mo pala ito!" nagtext siya para tanungin kung bakit ito tumatawag.

Biglang nagring ang phone niya.

Si Edward naman ay hindi inaalis ang tingin kay Maymay habang kinakausap nito ang ate niya. Ilang beses na niyang binalak tanungin ito kung nagbago na ba ang isip niya sa pagbalik sa Germany. Two weeks na lang at ikakasal na ang ate niya. At ang pagkakatanda niya babalik na rin si Maymay  pagtapos ng kasal.  Gusto niyang marinig sa dalaga na nagbago na ang plano nito. Na kasama na rin siya sa mga pina-priority nito. Habang tumatagal lalo niyang minamahal ang dalaga. Wala man itong sabihin sa kanya assurance tungkol sa relasyon nila ramdam niya na may puwang na din siya sa puso nito. Maalaga si Maymay kahit sobrang busy nito sa trabaho ay hindi nakakalimot na asikasuhin siya o kaya naman makipagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Likas sa dalaga madaldal at palakwento marami itong baon experinces sa buhay. Dahil sa kanya na appreciate niya na sobrang swerte niya at hindi sila pinabayaan ng mga magulang niya. Kahit puno ng hirap ang buhay nito hindi mo makikitaan nang maliit na negatibo sa buhay. Naikwento rin nito ang pakikipagsapalaran sa Germany. Kung paano siya nahirapan makisabay sa agos buhay doon. Minsan naisip niya sa sarili na sana noon pa sila nagkilala noong mga panahon na sa Germany pa sila nakatira. Sana noon naging malapit din sila hindi na ito nahirapan pa.

"Sabi ng ate mo sa makalawa daw yung rehersal nakapagpa-schedule na raw siya ng isang restaurant kaya sana masabihan mo na rin si Donny!" sabi ni Maymay at lumapit ito sa bag nito at nilagay ang cellphone.

"Okay mamaya magkikita kami gabi!" sagot ni Edward.

Napatingin si Maymay kay Edward.

"Boys night out?" tanongni Maymay.

Tumango naman si Edward saka binuksan ang tv at umupo sa sofa.

"No girls!?".

Umiling si Edward saka malukong ngumiti.

"Ikaw anong plano mo today?" tanong ni Edward habang nagbrowse ng channel.

"Sa  shop lang may client na i-me-meet si Patricia kaya ako muna ang tatao doon!" sabi ni Maymay habang nakatingin kay Edward.

Lately kasi gusto-gusto niyang makita ang mukha nito. Ang matangos na ilong at mayayabong na pilikmata nito.

"Sige tambay muna ako doon!".

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!