No Label ( Her POV )

1.5K 85 70

"Ano ba ako sayo? Ano ba tayo? Merun bang tayo?"

-MM

Her POV

"Julius paki pasa na lang lahat kung magkakaproblem i-email agad sa akin. Babalikan kita bukas, bukas huh? As in bukas pauwi na ako!" sabay baba ni MM ng phone.

Saka muli tumingin sa computer at kung anu-ano pang tsine-check. Napatayo sila Kakai at Patty sa desk nila at pinanuod nila si MM kung paano magtrabaho ng mabilisan at tipong walang balak huminto para matapos lang ang ginagawa. Nagkatinginan ang dalawa saka binalik ulit ang tingin kay MM. Nakita nila na tumingin si MM sa relo at cellphone. Tapos nag- ayos ng sarili. Naglagay ng lipstick at nagsuklay. Shi-nut-down ang computer at muling tumingin sa salamin sa ibabaw ng table nito at kinuha ang bag.

"Bye!" paalam ni MM sa kanilang dalawa na nakangiti.

"Wait.. Wait.. Wait.. Saan ka pupunta?" hinarangan ito ni Patty.

"Uuwi na!".

"Sakto bebe huh, four o'clock. Nandyan ang jowa mo noh!" sabi ni Ate Kakai.

"Wala akong jowa noh!" apila ni MM.

"Oo nga pala kasi hanggang ngayon waiting in vain doon sa bestfriend mong Aleman!".singit ni Patty.

"Dadating na si EJ, hulaan ko problema na naman noh?" si ate Kakai.

"Grabe kayo huh, ang judgemental lang huh!".

"Bakit kailan ba kami nagkamali tuwing dumadating ang bestfriend mong Aleman?!".

"Si ate Kakai talaga si EJ na naman ang pinagdiskitahan mo. O siya mauna na ako sa inyo!" paalam ni MM sa kaopisina.

Naiiling na lang ang mga kasama niya habang tinatanaw ang paglabas niya sa opisina.

"Hindi ko naman sila mapipigilan kung bakit sila makareact pagdating kay EJ. Kasalanan ko rin naman e ang tanga ko lang at concern lang sila sa akin.

Ako nga pala si MM (full name huwag na baka huntingin nyo po ako sa fb ibash nyo pa ako! Hahaha). Well naiintindihan ko naman sila ate Kakai like what I said kasi masyado ako hook sa bestfriend ko si EJ.

EJ and I get close noong highschool pa kami. Kakatransfer palang niya nun at ako naman ang pinaka talkative sa klase namin. One time nilapitan ko siya kasi hindi naman siya nakikipag-usap kahit kanino. Marami kasing natatakot kumausap dahil baka maubusan daw sila ng dugo. Half British half Filipino kasi si tisoy. Pero dahil ako pinakabibo sa klase ako na rin ang gumawa ng paraan maging one of us siya sa amin. Nung una struggle ako kasi english. Tuwing magsasalita ako lagi niya akong pinagtatawanan. Instant source of happiness niya ako bigla dahil sa mga maling english ko. Then one time I saw him talking to someone and to my surprise nagtatagalog pala siya. Nung una hindi niya alam na aware na ako marunong pala siyang magtagalog bigla ko na lang naisip na hindi siya pansinin sa klase (nakaakainis rin naman diba? ) . Siguro nagulat siya kaya ayun he always follow me everywhere I go. He keep on asking why I'm like this? Why I'm like that ? Pero denidedma ko lang siya. Siguro kahit papano tumatatak na ako sa life niya hindi niya ako matiis na hindi ko siya pinapansin kaya one time hinintay niya ako para wala akong lusot na hindi ko sagutin ang mga tanong niya. Dinala niya ako sa gitna ng soccer field at hinawakan ng mahigpit. Ayaw ko sana siyang kausapin pero kasi gwapo niya talaga makakahindi ka ba dun sa taong may mga matang parang sa mga anghel mo lang makikita. Sinabi ko sa kanya ang problema pero nakakaloka ang reaction niya. Pinagtawanan na naman niya ako ulit, sa inis ko nagwalk out ako. Pero si tisoy alam ata ang binabalak ko kaya ayon nahabol niya ako saka niyakap. Ang baliw diba niyakap niya sa open field ng school namin. Buti na lang uwian na kunti lang ang tao sa mga oras na iyon. He say sorry for everything at nagpromise na hindi na niya daw uulitin ang pagloloko niya sa akin. Starting that day we became close maraming nagsabing na girlfriend daw niya ako pero lagi namin tinatanggi iyon. May mga taong hindi naniniwala pero hindi na namin ini effort-an e explain kung ano talaga merun sa amin.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!