Sweet Serendipity Part 3

1K 73 13

Maagang nagising si MM madilim pa ang paligid at rinig niya ang hampas ng alon ng dagat. Agad niyang kinuha ang cellphone para i-check ang oras. Alas-kwatro ng madaling araw bukod sa oras napansin din niya na limang miss call din siya at limang text si Ex. Napabuntong hinga siya ng malalim sabay iling, sabi  sa pinangalan niya sa phonebook niya "Never fall again". Nilagay niya ang cellphone sa lamesa sa gilid ng kama at tumayo. Hindi niya inabala ang sarili magpalit ng damit at hinayaan niyang ilugay ang buhok niyang magulo. Napahawak siya tiyan tanda ng nakaramdam siya ng gutom pero dinedma lang niya iyon at dire-diretsong lumabas ng bahay. Para kasing hinahatak siya ng tunog ng hangin at ng dagat. Nang makarating sa dagat na malapit lang naman sa harap ng bahay nila Mye. Naramdaman agad niya ang  init ng tubig nang maisipan niya lumusong kahit mabasa ang mga paa niya. Natuwa siya dahil sa madaling araw ramdam niya ang init  ng tubig.

"Hay buhay nga naman!" sambit ni MM.

"Siguro naman hindi mo balak lunurin ang sarili mo diyan!".

Nagulat Si MM sa biglang nagsalita sa likod niya. Alam niya kung sino yun dahil sa slang na pananalita nito.

"Tanga na ako sa pag-ibig pati ba naman sa buhay!" tanging sabi ni MM sabay balik ng tingin sa payapang dagat.

"I don't understand?!" tipid na sagot ni Ed.

Napatingin si MM kay Ed na kasalukuyang nakatingin rin sa dagat.

"I don't understand why you acting like that. I'll been in  relationship about six or seven years. But I don't see her like that when we got separated!" sabi ni Ed.

"Depende naman kasi yun sa dahilan kung bakit kayo naghiwalay. Kagaya nung sa akin three years basta na lang akong babanatan hiwalay na tayo... Ayaw ko na.. Malaya ka na!" nagbuckle pa ang boses ni MM.

Nagdalawang isip pa si Ed kung sasabihin niya ang totoo. Pero sa huli kasabay ng malalim na buntong hininga he decide to tell the truth.

" I woke up one day that I don't feel the same love that I feel six yeaars ago! ".

Lalong sumama ang loob ni MM sa narinig.

"Pare-parehas lang kayong mga lalaki!" tumalikod si MM sa dagat at lumakad pabalik sa bahay ng kaibigan.

Napapailing naman sumunod si Ed sa kay MM. Paakyat na sana ito sa kwarto ng makita niyang humawak ito sa tiyan niya.

"This girl is different .....!" sabi ni Ed sa sarili.

Dumiretso siya kung saan nakatayo si MM habang hawak nito ang tiyan.

"Let's go!".

"Ano?!" halatang nagtatakang sabi ni MM.

Hinawakan ni Ed ang kamay niya at agad hinatak pababa.

"Uy... uy... uy...saan mo ako dadalhin?" pigil ni MM na pilit hinahatak ang kamay na hawak ni Ed.

"Wala akong  masamang balak sayo at pwede paki hinaan ang boses mo dahil may natutulog pa!" sabay hatak ni Ed kay MM papuntang kusina.

Hindi naman mintindihan ni MM na parang nakaramdam siya ng kapayapaan sa init na dulot ng magkalapat na kamay nilang dalawa. Kaya wala siyang nagawa kundi tumingin sa magkahugpong kamay nila ni Ed habang hinatahatak siya nito.

Pinaupo ni Ed si MM sa isang upuan pero nang balak na niyang bitawan ito. Naramdaman niya na ayaw pakawalan ni MM ang kamay niya.

"Gagawan lang kita ng pakain, hindi ka nakasabay sa amin kumain kagabi kaya alam kong gutom ka na!" sabi ni Ed.

"E di gumawa ka!" mataray na sagot ni MM.

"My hand  please...!" sabi ni Ed tinaas nito ang kamay nila magkahugpo saka siya tiningnan sa mga mata.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!