MAY Special Someone! ( Part 2)

1.5K 96 32

Papasok si Maymay sa accounting department at halos lahat ay nagulat sa kanya. Kanya-kanya bulungan ang mga tao. Merun magtaas ng kilay at merun din humahanga sa kanya. Lumapit siya sa kaibigan.

"Uy dai, ganda mo ngayon huh. May pa-change look ka pang nalalalaman huh!. Pero bakit nandito ka? ang alam ko natanggal ka raw sa trabaho mo?" lapit sa kanya ni Loisa.

"Hindi naman ako natanggal nalipat lang ako ng bagong trabaho!"

"So kaya bigla kang nag-out ng shell dahil sa bagong mong trabaho?"

"Nag-out talaga? Ano ako tomboy?! well ito ba (sabay turo nito sa ayos niya) kung alam ko lang noon pa na may clothing allowance pala tayo di sana noon pa ako nagbihis ng ganito. Alam mo naman gipit din ako sa pera kaya imbes sa akin mapunta sahod ko deretso papuntang probinsya yun!"

"Sabi ko na nga ba hindi ka aware doon, masama talaga ang budhi ng boss mong si Christian noh!"

"Excuse me, ex-boss ko na siya!"

"Well napanganda rin naman nalayas ka na sa poder niya. Malamang kung ganyan ka mag-ayos noon baka nalawayan ka na rin nun sa pusod nOH!"

"Usog lang ang peg, well hindi rin siguro mas trip nun ang babaeng tinubuan ng boobs!" napalakas ang tawanan nila kaya halos nakuha nilang dalawa ang attensyon ng lahat.

"O siya pasok na ako aayusin ko pa ang conference para pagdating ng bossing ayos na ang lahat!"

"Bakit ikaw nadyan na si ate Lhet!" ang tinutukoy nito ang admin ng accounting.

"Just checking lang para hindi mabadtrip ang boss ko!"

"Sino ba kasi ang bossing mo?" usisa ni Loisa.

"Well malalaman mo rin mamaya!" napapangiti sabi ni Maymay.

She know Loisa mahilig ito sa mga tisoy kaya pagnalaman nito malamang hindi ito mapapakali sa table nito. Babantayan nito ang bawat pagbukas ng conferrence room gaya ng ginawa nito dati nung magkasama sila.

"Good morning ate Lhet!" bati ni Maymay sa ginang.

"Uy Maymay you look different huh! I heard the news and I think bagay sayo ang bago mong trabaho!"

"Salamat ate Lhet!"

"Atlist malayo ka na sa mga kuko ng malditang Krishna na yun!"

"Si ate Lhet talaga.. by the way okay na po ba lahat dito. Any minute kasi baba na si EJB!"

"EJB? akala ko ba si KJB ang a-attend ng meeting?" nagtatatakang tanong nito.

"Mukang secret pa ata ito, well ate huwag ka na lang muna maingay!" natatawang sabi ni Maymay.

"So kaya pala ikaw ang nag-aasist dito imbes na si Edna!"

"Well, mukang first time rin ito ng young Barber. Mabait ba ang boss mo?"

"sa totoo lang po hindi pa po kami nakakapag-usap ng matagal, kanina ko lang din siya sa na meet personal!" honest na sagot ni Maymay.

"WEll good luck sa atin balita ko pa naman kay Edna na strick daw ang young Barber!" naiiling na sabi ni Ate Lhet.

Isa-isa pumasok ang mga kasama sa meeting kasama na rin ang dati niyang boss at ang babaeng tinubuan ng boobs at as usual nakabalandra na naman ang dibdib nito sa namumutok nitong office attire.

"Anong ginagawa mo dito? you should be out of here. Alam mo ba ang mga heads lang ang dapat nandito!" nakataas pa ang kilay nito sa kanya.

"Ikaw bakit nandito? kailan pa naging boobs and heads?!" pabulong na sabi ni Maymay.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!