Chapter Twenty Three

Start from the beginning
                                    


"Yeah. Anyways, I'm not liking the idea that you always fall asleep on the sofa."


Tiningala ko siya. "Anong ibig mong sabihin?"


Ngumiti siya saakin. "My house is big, Arianna. At hindi ko gustong sa sala ka lang nag-aaral—"


"Eh saan nga kasi?" tanong ko kaagad. Paligoy ligoy pa eh.


"I'll provide a study room for you. Doon kayo ni Fayi mag-aaral."


"Doon din ako matutulog?" nginisihan ko siya. Minsan kasi kahit pagod na ako sa kaka-aral ay nangungulit siya, pero hindi naman nagpupumilit. Ako ang kusang bumibigay sa kakulitan niya. Pang-tanggal stress na rin kakasolve sa math ano!


Pinaningkitan niya ako ng mata. "That's another story."


Natawa ako. "Doon nalang ako matutulog, Honey." Ginaya ko ang boses niya kapag naglalambing siya.


"No. You're not. My Honey won't sleep in other room unless gusto mong dito ang magiging study room mo. This is huge as well..."


Humiwalay ako sa yakap niya. "Ayoko nga! Hindi ako makakapag-aral 'don kasi mangungulit ka."


Natawa niya ng mahina at niyakap ako ulit. "Bumibigay ka rin naman." Bulong niya sa tenga ko.


Nanayo ang balahibo ko sa batok. "S-syempre..."


"Syempre...gusto mo rin." Kinagat nya ang tenga ko.


"Declan, isa!" kinurot ako ang likod niya, pero tinawanan lang ako.


"Eh gusto mo naman talaga diba?"


Inirapan ko siya ulit. "ALangang sabihin kong hindi? Edi nag-walk out ka nanaman."


Pinisil niya ang ilong ko at napangiti siya. "One time ko lang naman ginawa 'yon. Nagbabasag ka ng baso kapag nag wa-walk out ako e."


Natahimik ako nang maalala ko ang nangyaring 'yon samin. Yung panahong mas masakit pa 'yung pagwalk out niya saakin kaysa don sa sugat na bunga nung nabasag na baso. Napangiti ako. Doon ko rin unti-unting narealize na may nararamdaman na ako kay Declan. Doon ko unang naramdaman na ayaw ko ng tumakas sa kanya. Doon ko unang na-realized na ayaw kong saktan siya ng mga salita ko.


Ang tagal na pala 'no.


"Wag mo na ulit gagawin 'yon." Sumiksik ako sa dibdib niya. Ayoko nga ulit maramdaman 'yon. Parang nakakaiyak pag ginawa niya ulit 'yon.


"Can't promise..." nang-aasar ang boses niya.


"Declan naman e!"


"Just kidding." Ramdam na ramdam ko ang pagngisi niya, gusto kong umapela pero ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko ay nagsisimula ng humagod sa nakakakiliting paraan.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Where stories live. Discover now