That Night (Part 6)

Magsimula sa umpisa
                                    

"At sana hindi si Edward ang dahilan!".

Ngumiti si Maymay saka binalikan muli ang mga gamit.

"Ito naman ang mga supplier ng bulaklak at iba pang gagamitin natin sa kasal nyo. Mas nakamenus dahil doon ma mismo tayo makakakuha sa Palawan!".

"My gosh all set na, kaya Maymay pumayag ka na maging maid of honor ko!" sabi ni Annika.

"Gaya nga ng sabi mo nakaset na lahat kaya wala na akong magagawa. Ang invitation i drop na lang daw nila Patricia mamaya sa office mo!" sabi ni Maymay.

"Mahal huwag na natin pilitin si Maymay kung ayaw niya talaga!" sabi ni Luis.

"Dapat bago ang kasal kahit paaano makapag rehearsal tayo!" sabay ngiti ni Maymay.

"Ibig sabihin bang sabihin ng ngiti na yan ay pumapayag ka na!?" masayang sabi ni Annika.

Tumango lang si Maymay at saka nginitian ng pagkatamis-tamis si Luis
Dahilan para lalo sumimangot ito.

****

"Oh Edward buti naabutan ka namin kunin mo na dito ang ang invitation ng mga kaibigan mo!" sabi ni Annika.

Kinuha ni Edward ang box at hinanap ang mga names ng kaibigan niya. Si Luis seryosong nakatingin kay Edward. Parang kagaya ni Maymay ay may kakaiba rin siyang nakikita sa kilos ng binata.

"Mahal.. Luis.. Uy..!!" pukaw sa kanya ni Annika.

Bumalik sa huwisyo si Luis at lahat nakatingin sa kanya.

"Daddy Kevin nandito na po pala kayo!" nakabawing sabi ni Luis.

"Kanina pa Luis at mukang hindi maganda ang pakiramdam mo. Ramdam mo na ba pressure sa nalalapit na kasalan nyo ni Annika?!" sabi nito tito Kevin.

"I'm fine daddy medyo may naiisip lang ako!" sagot nito.

"Ilan linggo na lang mawawala na sa amin ang prinsesa ko!" sabay yakap nito kay Annika.

"Dad alam ko naman kating-kati ka nang ipamigay si ate para wala nang istorbo sa inyo ni Mommy!" singit ni Edward.

"Heh manahimik ka diyan!" sita ni Annika.

"Ikaw, kailan mo balak mag-asawa aba gusto na namin magkaapo sayo dahil ikaw ang magtutuloy ng bloodline ng Barber?" sabi kay Edward.

Ngumiti muna si Edward.

"Pwede po bang apo muna since si ate will get married this year!" sagot ni Edward.

"As if naman mapayag mo ang girlfriend mong si Skye magbuntis. E napaka vain nun sa sarili ni ayaw nga ata nasisira ang figure nun!" sabi ni Annika.

"Sino ba nagsabi sa inyo na si Skye magiging nanay ng magiging next generation ng ating angkan!" natatawang sabi ni Edward.

Bumitaw si Annika sa ama at agad lumapit sa kapatid.

"Bro may bago na kaya pala nakaya mo nang bitawan ang langit na iyon kasi may iba na. Sino? Kakilala ko ba?"

"At kailan mo balak ipakilala siya sa amin?".

Lahat sila ay napatingin sa pintuan.

"Mom!" gulat nasabi ni Annika sa tumakbo si Annika. "Kailan ka pa dumating?" tanong nito sa ina.

"Hindi mo ba ako yayakapin bunso?!" tanong nito kay Edward.

"Mommy!" sabay tayo ni Edward saka yumakap sa ina.

"Hindi ko gusto ang mga sumbong ni Skye sa akin kagabi. Halos puyatin niya ako sa kakaiyak. Totoo ba?" tanong ng ina.

"Yes mommy!" sagot ni Edward sa ina.

MayWard Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon